NCCC Davao, ‘Amin ‘To’!
HINDI po ako may-ari ng New City Commercial Centre (NCCC) na pagmamay-ari ng pamilya ng yumaong si Lim Tian Siu ng Davao City. Nagsimula ang NCCC sa pagiging textile store hanggang sa pumasok ito sa retail business lalo na at sila’y naging paboritong kaagabay ng mga tindahan dito dahil nagbibigay sila ng napakamurang presyo ng mga bilihin lalo na groceries na discounted na nga.
Ang sarap kasi sa pakiramdam paano lumago ang NCCC sa mga nagdaang taon at naging bahagi ito ng buhay ng mga Dabawenyo at kaya naman masasabi naming mga mamamayan ng Davao City na NCCC Davao—Amin Ito!’ with pride dahil kaya rin naming ipagmamayabang ito dahil nga nasa puso siya ng bawa’t isa sa amin dito.
Ang NCCC ay isang homegrown establishment na talagang masasabi kong mga Dabawenyo Amin ‘To! dahil kaming mga Dabawenyo ay testigo kung paano ito nagsimula bilang maliit na tindahan at kalaunan ay nagkaroon na ng maraming branches dito sa Buhangin at Uyanguren at maging sa mga tindahan na gaya ng ChoiceMart at NCCC branches sa Centerpoint at iba pang strategic na lugar.
At malaki rin ang investment ng Lim family sa ginawa nitong NCCC Victoria Plaza at meron na ring mall nito sa loob ng Vista building sa Barangay Mintal dito rin sa Davao City.
Apatnapu’t limang taong gulang na ang NCCC noong December 1 at ang pinakaabangan bago ito mag-46 na taon sa December 2024 ay ang pagbubukas ng kanilang NCCC-Maa branch na kung maaalala ay nasunog noong December 2017 ang original building nito. Kamakailan lang sinimulan at nag-topping off noong Lunes at pangako nga ng contractor ay bago matapos ang 2024.
Ayon kay Lafayette Lim, president at CEO ng NCCC Inc., mas marami pang exciting na mangyayari at magaganap na mga plano ng kompanya.
- Latest