^

PSN Opinyon

Kulang ng katibayan

IKAW AT ANG BATAS! - Atty. Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Ang pagpatay sa isang tao nang pataksil at may malinaw na pagbabalak ay krimeng “murder”. Ito ang ipaliliwanag sa kaso ni Toto na inakusahan sa pagpatay kay Paquito.

Nangyari ang kaso sa bahay ni Toto isang hapon no­ong si Paquito ay inimbita ni Badong para mag-inuman mga alas siyete ng gabi. Niyaya ni Toto ang dalawa sa kanyang bahay para uminom ng isang galong tuba.

Nang maghahating gabi sinundo na ng anak na si Jun si Paquito kina Toto. Doon nakita niya na ang kanyang Tatay ay hawak ni Badong sa kamay habang sinasaksak ni Toto. Sina Jun, Toto at Badong lang ang mga tao roon. Kaya malinaw na nakita ni Jun ang pagsaksak ni Toto sa kanyang tatay na malapit lang sa kanya. Kahit na may dalang panaksak si Paquito sa kanyang baywang, wala na siyang pagkakataon na ipagtanggol ang sarili.

Dahil sa takot tumakbo si Jun sa kanilang kapitbahay na si Doro isang barangay tanod upang humingi ng tulong. Ngunit tumanggi ito. Kaya hiniling ni Jun kay Doro na dalhin siya sa kanyang tiyahin sa kalapit na barangay mga alas dos nang umaga.

Kinaumagahan humingi ng tulong ang kanyang tiyahin na si Belen sa Barangay Council upang makuha ang bangkay ni Paquito sa bahay ni Toto. Nakita nila ang bang­kay ni Paquito nakaupo sa sahig. Si Toto at ang kanyang pamilya pati na si Badong ay wala na roon. Dinala nila ang bangkay ni Paquito kay Dr. Harry upang maawtopsiya. Batay sa report ni Dr. Harry, si Paquito ay may 33 saksak, na ang sampu ay nasa kaliwa at sanhi ng kanyang pagkamatay. Tatlo pang saksak ang tumama sa kanyang baga dahil magkalapit lang noon si Toto at Paquito. Pero hindi sigurado si Dr. Harry kung mahigit sa isa ang sumaksak.

Sa pagdinig ng kaso, tumestigo si Jun tungkol sa kanyang nasaksihan na sinuportahan naman ng kapatid­ ng biktimang si Ernie. Tumestigo rin si Dr. Harry at kinum­pirma ang ulat niya sa autopsiya.

Bilang dipensa tumestigo si Toto at sinabi niya na sina Paquito at Badong ang pumunta sa kanyang bahay niya para mag-inuman na umabot ng dalawang oras, dahil ubos na ang tuba. Kinabukasan nabigla na lang si Toto nang makita niyang patay na si Paquito. Dahil sa takot siya at ang kanyang pamilya ay nagpasyang lumipat na sa ibang barangay pero hindi sila tumuloy nanng nabalitaan niyang siya ang suspek sa pagpatay kay Paquito at hinanap siya ni Ernie na kapatid nito, upang gumanti.

Pero hinatulan pa rin siyang may sala ng RTC at sinentensiyahan ng reclusion perpetua pati na mga danyos. Kinumpirma ito ng Court of Appeals (CA) at dinagdagan pa ang danyos moral. Tama ba ang RTC at CA?

Tama sabi ng Supreme Court (SC). Talaga ngang may sala si Toto pero siya ay may sala lang ng homicide. Ayun sa SC para magkasala ng murder sa pagpatay ng isang tao, kailangang mapatunayan na; (1) namatay ang biktima; (2) pinatay siya ng akusado; (3) ang pagpatay ay sa pamamagitan ng malinaw na pagbabalak at pataksil o iba pang sirkumstansiya nagpapabigat sa pagpatay ayon sa Article 248 ng Revised Penal Code.

Dito sa kaso, ang katibayan tungkol sa pataksil na pagpatay ay hindi sapat. May pataksil kung ang pumatay ay gumamit ng paraan na agad at tunay na masisigurong magagawa ito nang walang panganib sa pumatay dahil sa pagtanggol ng biktima sa sarili.

Sa kasong ito hindi napatunayan na ang pagpatay kay Paquito, (1) ay may pagbabalak at kung tuluyan magpasya si Toto na patayin si Paquito; (2) na tinuloy niya ang balak na ito; (3) na lumipas ang sapat na panahon para mapag-isipang mabuti ng akusado ang kahihinatnan ng kanyang gagawin.

Dito sa kaso hindi naman napatunayan ng saksi ang mga ito. Kaya homicide lang ang krimen ni Toto at siya makukulong lang ng walong taon isang araw hanggang 14 na taon walong buwan isang araw at magbayad ng danyos na ?150,000 (People vs. Toto, G.R. 245922, January 25, 2021).

BADONG

PAQUITO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with