Malabo ang paningin: Dapat bang ikabahala?
Iba’t iba ang sanhi ng paglabo ng mga mata. Maaaring simpleng paglabo. Ngunit puwede ring sintomas ng nakababahalang sakit.
Ang bawat isa ay maaaring magkaroon ng problema sa mata. Maaaring lumabo ang paningin. Karaniwan, ito ay dahil lamang sa nababago ang lens ng mata. Ang paggamot nito ay maaaring ang paggamit ng salamin sa mata.
Ngunit ang paglabo ng paningin, kasama ang sakit sa mata ay maaaring senyales ng glaucoma, isang seryosong kondisyon kung saan tumataas ang presyon sa loob ng mata. Kung nakararanas ka ng isang madilim na paningin sa isang lugar kung saan hindi mo makita ang ilang mga bagay, dapat kang magpatingin sa doktor sa mata.
May iba pang seryosong sakit sa mata tulad ng retinal detachment, diabetic retinopathy, at maging ang stroke o tumor sa utak.
Ang mga sakit sa paningin ay maaaring sanhi ng mga problema sa utak. Ang linaw ng paningin ay kinokontrol hindi lamang ng mga structure ng eyeball (cornea, lens, retina at optic nerve) kundi pati na rin sa mga lugar ng utak kung saan matatagpuan ang mga sentro ng mata ng utak (nasa likod ng ulo).
Kaya mula sa mata hanggang sa utak, ay maaaring maging sanhi ng mga problema sa paningin. Iyon ang dahilan kung bakit pinakamabuting kumonsulta muna sa isang espesyalista sa mata.
Tips para maging malinaw ang mga mata
1. Kumain nang maraming gulay at prutas lalo na ang mga berdeng talbos ng gulay dahil mayaman ito sa anti-oxidants, vitamin A, C, E. Subukan ang carrots, kahel, kangkong, kamatis, kamote, mangga at melon.
2. Kumain ng isda na mayaman sa omega-3 fatty acids tulad ng tamban, tawilis, dilis, hito, hipon, salmon, alumahan, tuna, tambakol, tanigi, tulingan at salinyasi.
3. Magsuot ng sunglasses para masala ang ultraviolet A at B rays.
4. Sa pagtatrabaho magsuot ng eye protection glasses kung may gagawin na delikado sa mata.
5. Huwag manigarilyo.
6. Ipagamot ang mga sakit tulad ng high blood, diabetes at alamin ang sakit sa pamilya.
7. Magpa-check-up ng mata. Kung edad 40 pataas, kailangang kada 2-4 taon, sa edad 60 pataas kada 1-2 taon.
Tips sa may-edad na malabo ang mata:
1. Liwanagan ang mga ilaw sa bahay para hindi madapa.
2. Lakihan ang sulat sa mga gamit at telepono.
3. Lagyan ng mga colored tapes sa hagdan para hindi mahulog.
4. Kailangan ang saksakan o electrical outlet at switches ay nakikita mabuti.
5. Uminom nang tamang dami ng tubig para maiwasan ang dry eyes.

- Latest