^

PSN Opinyon

Mga pagkaing pampatulog

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Para maging malusog ang ating katawan, kailangan natin ng sapat na tulog. Heto ang mga pagkaing makatutulong sa ating pagtulog:

1. Saging—Ang saging ay may tryptophan at carbohydrates na makatutulong sa paggawa ng serotonin. Ang serotonin ay nagpapa-relaks sa atin. Nababawasan din ang stress.

2. Kaunti lang ang kainin—Kumain lang ng kaunting kain, gulay at isda. May kasabihan na, “No food intake after 6:00 p.m. or 7: p.m.”. Tama po ito. Gusto nating matunaw maigi ang pagkain bago kayo matulog. Mababawasan din ang sintomas ng hyperacidity at GERD (Gastro-esophageal Reflux Disease).

3. Kamote o Sweet potato—Ang kamote ay may masustansyang “complex carbohydrates.” Hindi ito gaano nagpapataas ng asukal sa dugo. Mayaman din ang kamote sa fiber, vitamins B6, C and E, folate at potassium.

4. Oatmeal at cereals—Sa gabi, puwede naman hindi mag-kanin paminsan-minsan. Subukan ang 1 bowl ng oat­meal o cereals sa hapunan. Ang oatmeal ay may vitamin B6 at melatonin na makatutulong sa pagtulog mo. Puwede mo lagyan ng saging at gatas na masustansya din.

5. Gatas—Tama ba ang pag-inom ng gatas para makatulog? Tama po. May basehan ito dahil ang gatas ay may tryptophan. Ang tryptophan ay nagiging serotonin sa katawan at ito ang nagpapasaya at nagpapa-relaks sa atin. Mas mabilis ka pang aantukin.

6. Chamomile Tea—Ang mainit na chamomile tea ay mabisang pampatulog. Mabuti ito sa tiyan, pinapa-relaks ang stomach muscles, at may amoy na nagpapakalma din.

7. Pagkatapos kumain sa gabi, maglakad-lakad muna ng 10-15 minuto. Ito’y para matulungan ang katawan sa pagtunaw ng ating kinain. Makaiiwas ka pa sa sakit (tulad ng bangungot syndrome) at mas hihimbing ang iyong pagtulog.

SAGING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with