Karera ng kabayo sa India, nag-dry run na!
NAGSIMULA nang mag-dry run ang karera ng kabayo na galing sa India. Kung gagawing basehan ang resulta ng tayaan sa mga betting stations, mukhang matagal pa bago pumik-up ang karera ni Mr. Tsong Byan. Sinabi ng mga kosa kong adik sa karera ng kabayo, hindi makaka-attract ng mananaya ang palaro na ang kakalabanin ay ang lokal na karera.
Papayag kaya ang mga lokal na breeders ng kabayo, tulad ni Interior Sec. Benhur Abalos, na apak-apakan lang sila ng bagong palaro na karera, eh banyaga o Indiyano ang makikinabang dito? Dipugaaaaa! Hehehe! Dapat may pakulo ang grupo ni Abalos para hindi lumipat sa kabilang kuwadra ang mga adik sa karera na mga Pinoy. Mismooooo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Ang dry-run ay nitong nagdaang Lunes, Miyerkules at Biyernes. Sa monitoring ng kosa kong sugarol sa link ng palaro, ang taya ay umabot lang sa P2,000 kada takbo. Araguyyyyy! Nagsimula sa 16 na laban ang karera at magiging 50 takbo ito kapag ginawa ng normal ang palaro. Kung 50 takbo kada araw, ibig sabihin kailangan ang 500 kabayo ang tatakbo sa karera kung limang beses ito sa isang linggo, di ba mga kosa?
Sori kung mali ang kuwenta ko at mahina talaga ako sa math. Sa tingin ng mga kosa ko kailangan ng sobrang daming kabayo nitong nasa likod ng karera sa India dahil hindi naman puwedeng tumakbo ang kabayo ng salit-salit dahil kailangan din nilang magpahinga. Mismooooo! At kung sunud-sunod ang takbo nila, abayyyyy labag ito sa animal rights, di ba mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Kaya kapag kinapos ng kabayo ang taga-India, may posibilidad na replay na ang ilalabas nila sa link at ang madadaya nito ay ang mga Pinoy? Paano naman malalaman ng mga Pinoy kung totoo o hindi itong takbo ng karera ng Indiyano eh sa India nga manggagaling ang video? Mismooooo!
Bakit ba puro sugal na lang ang pinagkakaabalahan ng mga Pinoy? Nasaan na ang bilyong dolyares na ipinangako kay President Bongbong Marcos sa foreign trips niya? Kaya’t dapat ‘wag na tangkilikin ng mga Pinoy ang karera mula India imbes sa lokal na karera na lang sila tumaya na kinaugalian nila. Dipugaaaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Isang negosyanteng Indian ang nagdala nitong negosyo sa Pinas at sinalo naman ni Boss Tsong Byan. Tapos nalaglag ito sa grupo ng negosyanteng si Joseph Lumbad, ang IT expert ni Boss Charlie “Atong” Ang. Kung porsiyentuhan itong tropa ni Lumbad, abayyyyy kung hindi aangat ang tayaan kada takbo ng kabayo, eh aabot kaya sa milyones ang kikitain nila? Ewan ko lang no?
Kung sabagay, made na sa e-sabong ang tropa ni Lumbad at sanay na silang mag-abono. Tsk tsk tsk! Matagal pa bago magkaroon ng pakinabang ang karera ng kabayo sa India. Tumpak!
Habang nagda-dry-run itong karera ng kabayo, nalalapit namang magbukas ang isa pang sugal na pula’t puti fruit games. Sugal na naman! Abangan!
- Latest