^

PSN Opinyon

Huwag magpalinlang sa online lending apps

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KABILAAN na ang mga Christmas countdowns sa mga television network at social media. Kasabay nito, puspusan naman ang pangtutuso ng mga Online Lending Application (OLA) sa YouTube.

Nagsusulputan at bumubulaga na lang ang mga basura’t nagkalat sa YouTube na mga OLA sponsored ads.

Timing, alam kasi nitong mga nasa OLA kung paano sumabay para makapangtuso ng mga empleyadong ‘di pa nabibigay ang 13th month pay. Rakrakan ang panghi­hikayat nilang mangutang o magcash-advance ‘yung ma­hihilig mangutang.

Kaya naman, nagbibigay na ng All Points Bulletin ang BITAG bago kayo masilo, malambat sa pamamagitan ng mga YouTube advertisement. ‘Wag na ‘wag magpapaniwala sa mga putok sa buhong ‘to.

Pati nga sa BITAG YouTube channel, katakut-takot na ang mga actual police operations ng paglusob sa pinaglu­lunggaan ng mga OLA ay bumubulaga na lang ang mga OLA advertisement.

Kaya kapag nakakita ng OLA advertisement sa YouTube, ‘wag nang papormahin pa – skip video agad.

Sa totoo lang, kaya bastos, balahura at agresibo ang paniningil ng mga kolektor ng OLA, dahil high pressure ang kanilang trabaho.

Tinuturuan silang manggipit, mambastos at umasta na parang mga terorista, makasingil lang. Sa kanilang termino­lohiya, ang tawag dito ay “pambabakal.”

Kapag hindi sila umabot sa quota, sinisibak sila ng kanilang mga bisor, sa utos na rin ng mga putok sa buhong tsinong nagmamay-ari ng OLA.

Ang problema, marami pa rin ang mga nangungutang sa OLA. Tapos kapag ginipit at binantaan kapag siningil, nag­susumbong na kung kani-kanino.

Ganito ang rason ng mga utangero’t utangera: papaano naman kaming maliliit? nakakatulong sa amin ang pautang ng OLA…

Oo nga, pero kapag singilan na at ‘di makabayad sa oras, nagsusumbong na sa BITAG at kung kani-kanino. Pati sa mga wannabe vloggers nagpapakampi.

Nasa BITAG ang babala, nasa sa mga babasa nito na ang desisyon kung maniniwala at magpapadala sa panunuso ng mga online lending apps—bahala na kayo sa buhay n’yo!

LENDING

TELEVISION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with