PCSO, gumawa ng history ng kumita ng P104.87-M!
GUMAWA ng history ang Philippine Charity Sweepstakes Office nang makakubra sila ng taya na umabot sa P104.87 milyon sa loob ng isang araw noong Nobyembre 14. Ito po ang highest sales na naitala ng ahensiya mula ng ang PCSO ay pumasailalim sa Philippine Lottery System (PLS) nitong Oktubre 1, ayon kay PCSO General Manager Mel Robles. Wowwwww!
Nagpapasalamat si Robles sa publiko sa patuloy na pagsuporta at pagsali sa PCSO sanctioned games, lalo na ang larong loterya. Aniya, hindi maka-record ang PCSO ng historic sales kung walang patuloy na tiwala at loyalty ng publiko. Mismooooo!
“We are delighted that more people are patronizing our games. It only proves that the public fully trusts the PCSO even as we continue to innovate and make our games more transparent and credible,” ayon pa kay Robles. Ano pa nga ba! Tsk tsk tsk! Maraming maysakit na mahihirap ang matutulungan ng PCSO kapag patuloy na lumalaki ang kita nito sa kanilang palaro, di ba mga kosa? Tumpak!
Kung sabagay, narating din ng PCSO ang masabing significant milestone dahil sa ang ticket sales nito ay umabot sa P1.23 bilyon sa period mula November 1 to 14 o sa average na P87.6 milyon kada araw. Maraming ambulansiya at wheelchair ito, di ba kosang Bong Arriola, assistant ni GM Robles?
Kung hindi lang nandadaya ang mga tiwaling authorized agents ng Small Town Lottery (STL), abayyyyy baka lampas-lampas sa kanilang daily target ang kita ng PCSO, di ba Mam Prosy? Kailan kaya hahabulin ng PCSO at National Bureau of Investigation ang tiwaling STL agents, na sa tingin ng mga kosa ko ay nag-expand na? Dipugaaaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sa totoo lang, ang gains ng ahensiya ay nagsimula ng umunlad ang serbisyo ng PCSO mula ng ma-implement nito ang state-of-the-art na PLS. Ayon kay Robles, nag-improve ang kanilang efficiency at transparency dahil sa naging centralize na ang sales reports, kaya mabilis makilala ang lotto winners, at naging madali ang tiket validation. Para maibalik sa lotto patrons, nagsagawa ng promo ang PCSO kung saan ang starting jackpot prize ng mga palaro nito ay P89 milyon, para i-selebra ang kanilang 89th anniversary, na kung tawagin at “Anniversaregalo.” Mismooooo!
Hindi naman humihinto ang PCSO sa pag-explore ng sari-saring innovations para umunlad pa ang kanilang mga palaro at maganyak ang publiko na tangkilikin pa ang kanilang produkto. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Dapat lang naman magtiwala ang betting public sa PCSO dahil pinaiiral ni Robles ang transparency, integrity at responsibility sa pagpatakbo ng palaro ng ahensiya. Alam naman ng mga kosa ko na ang pondo na nakalap ng PCSO ay naibabalik din sa mga mahihirap na Pinoy tulad sa programa nilang medical assistance, health programs, education, disaster relief at iba pang charitable endeavors. Mismooooo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa?
Dahil sa development na ito, lumakas ang paniniwala ni Robles na malalampasan nila ang revenue target ng PCSO sa taong ito. Nitong 3rd quarters kasi, umabot na sa P44.9 bilyon ang nakalap na taya ng PCSO at mabilis lang maabot ang target sales nito na P53.25 bilyon. Tumpak!
Kaya sa mga sugarol na Pinoy d’yan, tumaya sa mga palaro ng PCSO dahil tiyak mae-entertain kayo habang inaantay ang bola ng lotto games kung saan may pag-asa kayong maging milyonaryo.
Abangan!
- Latest