^

PSN Opinyon

Kontrobersiya ang P1-B na uutangin ng N. Vizcaya

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

NANGUNGUTANG ang Nueva Vizcaya ng P1 bilyon sa Philippine National Bank at mahigpit na kinukuwestiyon si Governor Jose V. Gambito ukol dito. Ayon sa Sanggunian Panglalawigan mabigat ang idudulot ng pangungutang ng ganoong kalaking halaga lalo’t apektado rito ang maraming maliliit na magsasaka sa probinsya.

Magbebenepisyo ba ito o malalagay lamang sa alanganin ang mamamayan? Ayon kay SP Member Eduardo “Edu” Balgos, kailangan ng mga magsasaka sa Nueva Vizcaya ay karagdagang kapital upang makabangon sa dinulot na pinsala ng Bagyong Goring at African Swine Fever (ASF).

Dalawang beses nang idineklara ng Nueva Vizcaya ang state of calamity dahil sa pinsala ni Goring at ASF. Pasanin pa ang matinding kompetisyon ng local na produktong agricultural at hindi masawatang importasyon ng bigas.

Ang plano ni Gambito, 95 porsiyento ng P1 bilyon PNB loan ay ilalaan sa proyektong imprastraktura at hindi ayuda sa magsasaka. Kahit karamihan sa mga pinaglaanang infrastructure projects ay farm-to-market roads, ang nais ng mga maliliit at nagdarahop na magsasaka ay ayuda para sa kanilang pangkabuhayan.

Dapat malaman na ang P1 bilyon ay utang at hindi grant. Dahil utang, obligasyon ng mga Nueva Vizcayano na bayaran ang interest at principal nito.

Gaya rin ba ito ng ibang LGUs na gagamitin ang Internal Revenue Allotment (IRA) ng Nueva Vizcaya bilang security sa P1 bilyon na utang?

Dapat mabatid ni Gambito ang nangyari sa mga opisyal ng Tabuk City, Kalinga noong nakaraang taon na isinakdal dahil sa paglustay sa P1.98 bilyon na utang sa DBP.

* * *

 

Para sa suhestiyon: [email protected]

PHILIPPINE NATIONAL BANK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with