^

PSN Opinyon

Liason officer na, ‘di na fixer

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Lumang tugtugin na ang mga tinatawag na “fixer.” Dala­wang dekada na ang nakararaan, sila ‘yung mga unang kinukuwelyuhan at tinutugis ng BITAG.

Sila noon ‘yung makikitang nakatambay sa labas ng mga tanggapan at mag-aalok ng kanilang serbisyo. Hindi ka na pipila, hindi na maghihintay, makukuha mo na agad-agad ang kailangan mo.

‘Yun nga lang, mas mahal ang bayad. Kung hindi doble, triple. Ang masaklap, ‘yung makakatapat na ng take the money and run.

Ngayon, may mga tinatawag ng liason officer. Medyo sosyal na pakinggan. May ilang pribadong tanggapan na kinikilala ang mga indibidwal na ito dahil may basbas at endorsement naman ng barangay officials.

Hindi ko lang alam kung umuubra sila sa mga tanggapan ng gobyerno.

Sa isang reklamong inilapit sa #ipaBITAGmo, akala ng isang 78-anyos na lolo ay nabiktima siya ng fixer. Umabot na kasi sa P81K ang kanyang naibayad ay hindi pa raw naikakabit ang kanyang kuntador at kuryente.

Ang inirereklamong fixer, agad nagpakita sa BITAG Action Center. Dala-dala ang mga sertipikong nagpapatunay na siya ay isang liason officer ng kanilang barangay para mag-ayos ng mga problema sa Meralco.

Paglilinaw ng Meralco, hindi nila empleyado ang inire­­reklamo. Pero kinilala nila itong authorized representative ng isang barangay na inendorso mismo ng kapitan.

Legal naman daw ang prosesong ito dahil may kala­yaang pumili ang kostumer sa kung sino ang gusto nilang mag-asikaso ng kanilang mga transaksiyon sa Meralco.

Babala ng BITAG, doon sa mga mapagkakatiwalaang tao, indibidwal o grupo lamang makisuyo. Kung hindi inendorso ng barangay, mas makabubuting kayo mismo mag-asikaso ng inyong mga kailangan sa ahensiyang pupuntahan n’yo.

Sa sitwasyong ito lolo, marami naman siyang apo at pamangkin na maaaring humalili sa kanya—sila ang sinabon ng BITAG.

Iwasan ang katamaran. Makipagtransaksiyon lamang sa mismong tanggapan—

huwag sa labas. Sigurado, walang maloloko.

BITAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with