^

PSN Opinyon

Ekonomiya lumago, bilihin mataas pa rin

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Binabasa ko ang balita sa Pilipino Star NGAYON na nagsasabing tumaas ng 9.5 percent ang ekonomiya. Biglang dumating si Misis mula sa talipapa na nagrereklamong mataas ang presyo ng isda.

What else is new? Iyan naman palagi ang narinig ko sa kanya at siguro, iyan din ang daing nang marami pang ginang ng tahanang  hirap na sa pagba-budget.

Ang lapulapu ay P500, torcillo at matang-baka ay P350 ang kilo. Mabuti at may mura pang isdang tilapia na P150 ang kada kilo. 

Masayang ibinalita ni Presidente Marcos ang paglago ng ekonomiya sa ikatlong quarter ng taong ito na mas mataas ng 4.3 percent kaysa ikalawang quarter. 

Siniguro ni Marcos na pursigido ang kanyang admi­nistrasyon na maisulong ang Philippine Development Plan upang marating ang target na umunlad ang kabuhayan ng bansa. 

Para kay National Economic and Development Authority director Arsenio Balisacan, sa kabila ng mga proble­mang kinakaharap ng daigdig sa ngayon. Pero ang tanging sukatan ng mga ordinaryong mamamayan ay iisa lang.

Ito ay ang dami ng nabibili ng kanilang pera. Kung mahal ang bilihin, kaunti ang nabibili kaya naghihigpit ng sinturon ang mamamayan. Pero dapat unawain ang gobyerno.

Alam kong ginagawa nito ang lahat upang masolusyunan ang problema dangan nga lang at may mga pandaigdig na dahilan na nakaaapekto sa presyo ng bilihin.

PILIPINO STAR NGAYON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with