^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nasaan ang smugglers at hoarders ng sibuyas?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Nasaan ang smugglers at hoarders ng sibuyas?

Noong nakaraang Disyembre 2022, naging ginto ang presyo ng sibuyas na umabot sa mahigit P700 bawat kilo. Unang pagkakataon na naranasan sa bansa. Ayon sa mga magsasakang nagtatanim ng sibuyas, hindi naman dapat lumobo ng ganun ang presyo sapagkat wala namang kakapusan sa sibuyas sa bansa. Ayon pa sa mga magsasaka sagana sa sibuyas at ang kailangan lamang ay mga bodega na pag-iimbakan para hindi mabulok.

Hinala ng mga lokal na magtatanim ng sibuyas, dahil sa smugglers ng sibuyas kaya tumaas ang presyo­ nito. Dumadagsa ang puslit na sibuyas mula sa China at saka iho-hoard. Kapag wala nang sibuyas sa mercado saka ilalabas ng mga tusong negosyante ang nakaimbak. Mataas na ang presyo. Walang magawa ang mamamayan kundi bumili ng gintong sibuyas.

Wala namang lakas para mapigilan ang smugglers ng sibuyas at iba pang agri products. Patuloy ang pag­dagsa ng mga smuggled na bigas, sibuyas, carrots at maski karne na kadalasang galing sa China. Nakapagtataka naman kung paano nakalulusot sa Bureau of Customs (BOC) ang smuggled agri products.

Nagkaroon na ng pagdinig sa Senado ukol sa tala­mak na smuggling ng agri products at may mga pina­ngalanan na. Kabilang sa mga nabanggit ng Senado ay sina Manuel Tan na nag-o-operate sa Subic, Cagayan de Oro, at Batangas; Andrew Chang na nag-ooperate sa Subic, Port of Manila, Batangas at Manila International Container Port; Jun Diamante na nag-i-smuggled ng isda at si Luz or Leah Cruz na tinaguriang “Sibuyas Queen”.

Nasaan na ang personalidad na tinukoy? Wala nang balita sa kanila. Noong Hulyo, sinabi ni President Ferdinand Marcos Jr. hahabulin ang smugglers at hoarders. Hindi umano makakalusot ang mga nag­papahirap sa bayan at mamamayan. Hanggang nga­yon, wala pang nakakasuhan.

Noong nakaraang linggo, ipinag-utos ng Office of Ombudsman si Department of Agriculture (DA) Asec. Kristine Evangelista na sampahan ng kaso dahil sa maanomalyang pagbili ng mga sibuyas. Ipinag-utos din ng Ombudsman ang pagsasampa ng graft at falsification of documents kay Food Terminal Inc. (FTI) Vice President John Gabriel Trinidad, at 16 na iba pa. Sabi naman ni Evangelista walang katotohanan ang inaakusa sa kanya. Kahit kailan daw ay hindi siya nakasuhan ng pagnanakaw.

Ang hangad ng taumbayan ngayon ay makasuhan­ naman ang mga smugglers at hoarders. Mas lalong­ ma­tutuwa kapag ang mga ito ang naitapon sa kulu­ngan. Sila ang mga salot na nagpapahirap sa mamamayan at sa bansa.

KILO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with