Unang undergraduate dual-degree program ng AIM: Paghubog sa future data scientists ng Pilipinas
Ang data science -- o ang proseso ng pagkuha ng kaalaman at mga insight mula sa mga datos – ay isang mabilis na lumalagong larangan na may malawak na aplikasyon sa negosyo. Makatutulong ito sa mga negosyante para sila’y makagawa ng mas magandang mga desisyon, mas epektibong mga produkto at serbisyo, at mas malamangan ang kompetisyon. Napakarami nang mga industriya ang gumagamit nito ngayon --- retail, manufacturing, healthcare, financial at mga technological company, at maging ang mga ahensya ng gobyerno.
Kaya tama ang naging direksiyon ng Asian Institute of Management (AIM) na pagsamahin ang data science at business sa isang bagong degree -- Bachelor of Science in Data Science and Business Administration (BSDSBA). Sa nakalipas na 55 taon, nakilala ang management school para sa magaling na graduate programs nito. Kaya magandang balita na nagpasya itong mag-alok ng isang undergrad program ngayong taon – na isang dual degree program pa!
Sa kanyang talumpati sa pagsisimula ng schoolyear, sinabi ni AIM President at Dean Dr. Jinkyeong Kang na ang kagustuhang mas maagang makapag-ambag sa pagpapa-unlad ng bansa ang isa sa mga dahilan kung bakit nila binuo ang undergraduate program. “We collectively concluded that we want to start early,” sabi pa niya.
Lalo pang nagpaganda sa BSDSBA program ng AIM ang pakikipagsanib-puwersa nito sa isa pang prestihiyosong institusyon -- ang University of Houston (UH). “It’s one of the largest business schools in the US and has the largest undergraduate business program in the State of Texas,” sabi ni Dr. Nikhi Celly, Director ng Office of Global Initiatives sa Bauer College of Business sa UH.
Pinagsanib ng dual degree program ang puwersa ng Aboitiz School of Innovation, Technology, and Entrepreneurship ng AIM (sa pamamagitan ng BSDSBA program nito), at ng C.T Bauer College of Business ng UH (sa pamamagitan naman ng kanyang Bachelor of Business Administration Major in Management Information Systems o BBAMIS).
Ang programa ay ituturo ng mga miyembro ng faculty mula sa AIM at UH, “na nagtulungan upang bumuo ng isang kurikulum na komprehensibo at na magbibigay sa mga estudyante ng pinakamagandang edukasyon sa negosyo at data science.”
Ang inisyal na unang tatlong taon ng programa sa AIM ay dinagdagan ng isang online class ng UH bawat semester. Dito’y matututo ang mga mag-aaral mula sa mga pinakamagagaling at bihasang data scientists sa institusyon. Sa kanilang senior year, maaaring piliin ng mga estudyante na pumunta at mag-aral sa UH o kumpletuhin ang kanilang UH degree sa pamamagitan ng online class. Kapag pinili nilang pumunta at mag-aral sa UH, bibigyan sila ng visa na posibleng makapagbigay-daan sa kanila para makalahok sa Optional Practical Training sa Estados Unidos oras na makumpleto nila ang programa.
“There’s a huge value in exposing students to that kind of diversity,” sabi ni Kang sa media conference. “You being exposed to different kinds of perspectives, values, languages, business customs…[that] enriches one’s perspective.”
“I think it's a wonderful partnership between our two schools,” dugtong naman ni Frank Kelley, Associate Dean ng College of Business ng UH sa kanyang paunang pananalita. “We're very experiential in our teaching methodology. We're focused on developing the business leaders of tomorrow. And in terms of diversity, we are one of the most, if not perhaps the most diverse business program in the United States…”
Tiwala naman si Prof. Christopher Monterola, PhD (Head, AIM Aboitiz School of Innovation, Technology, and Entrepreneurship), na malaki ang magagawa ng pakikipagtulungan ng AIM sa UH para gawin ang institusyon bilang "globally competitive at world-class pagdating sa data science."
Ipinagmamalaki rin ng AIM ang pagkakaroon ng malawak na network sa larangan ng negosyo. “You will be meeting in the campus some of the biggest entrepreneurs in this country. In fact, to date, we have produced more than 1,000 entrepreneurs who scaled up their business as part of AIM,” ibinahagi pa ni Dr. Monterola sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng klase.
Excited akong sabihing isang malaking biyaya na ang aming panganay na si Fiana ay natanggap para sa dual degree program na ito, na ayon sa AIM ay "ang kauna-unahan sa bansa at sa rehiyon.” Pangarap ni Fiana na magkaroon ng data science degree at sa kabutihang palad ay isa si Fiana sa unang 51 estudyante na kasalukuyang kumukuha ng programang BSDSBA. At talaga namang nag-e-enjoy sa kanyang pag-aaral!
Napili siyang magbigay ng maiksing mensahe sa pagbubukas ng klase, at ibinahagi niya ang kanyang pananaw sa convocation. ”Data science is indeed a lucrative and promising industry. But more than the peso and the dollar signs, I hope we continue to improve the quality of lives of the less fortunate. I hope we get to use this path of data science to trailblaze and make all the positive difference in other people’s lives.”
Ang responsibilidad na gamitin ang ating kakayahan at galing para makagawa ng pagbabago at mapabuti ang buhay ng iba ang isa sa mga bagay na lagi naming itinuturo ng aking mister sa aming mga anak.
Sa kanya namang mensahe sa BSDSBA Batch 2027, sinabi ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Dr. J. Prospero E. De Vera III na "hudyat ito ng simula ng bagong panahon sa larangan ng data science at business leadership."
“A significant transformation is underway globally,” dagdag pa ni De Vera. “One in which data is assuming a pivotal role in steering decision-making, innovation and expansion. Your expertise in data science, combined with a profound comprehension of Business Administration has endowed you with a distinctive skill combination, a potent fusion of technical excellence and strategic discernment that will empower you to forge a long-lasting influence.”
--
Panoorin ang Pamilya Talk sa Facebook, YouTube at Kumu (@JingCastaneda – 12:00 noon – 1:00 p.m. Monday & Wednesday). You can also follow my social media accounts: Instagram, Facebook, YouTube, Tiktok, Twitter and Kumu. Iparating ang inyong mga tanong at suhestiyon, at sumulat sa [email protected].
- Latest