^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Hanggang kailan titiisin ang ginagawa ng China?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Hanggang kailan titiisin ang ginagawa ng China?

PATINDI nang patindi ang ginagawa ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas na maghahatid ng supply sa mga sundalong Pilipinong nasa BRP Sierra Madre. Kung noon ay hinahabol, nili-laser at binobomba ng tubig ang barko ng Pinas, ngayon ay binabangga na. Baka sa susunod, tingga na ang pakawalan ng CCG sa mga barko ng Pilipinas.

Naganap ang pagbangga ng CCG sa resupply boat ng Armed Forces of the Philippines na Unaiza Mayo 2 sa Ayungin Shoal noong Linggo ng umaga. Malapit na umano ang Unaiza sa Ayungin Shoal nang harangin ito ng CCG at banggain.

Makaraan ang insidenteng iyon, ang barko naman ng Philippine Coast Guard na nag-eeskort sa resupply boat ang binangga ng Chinese Maritime Militia Vessel. Wala namang nasaktan sa mga crew ng resupply boat at PCG sa naganap na insidente at nagtagumpay pa rin ang resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Makaraan iyon, nanindigan ang CCG na legal ang kanilang pagharang sa mga barko ng Pilipinas na umano’y nagdadala ng illegal cons­truction materials sa BRP Sierra Madre na sakop ng kanilang teritoryo. Trespassing umano ang ginawa ng mga barko ng Pilipinas.

Tiyak na magpapatuloy pa ang mga mapanganib na ginagawa ng CCG sa mga barko ng Pilipinas at posibleng may masaktan na o mamatay kaya. Malaki ang CCG kaysa barko ng Pilipinas at sa padalus-dalos na maniubra nito, tiyak na lulubog ang mas maliit na barko. Magsasawalang kibo na lang ba uli sa nangyari?

Ang nangyari noong Linggo ay panlimang beses nang panggigipit ng CCG. Una ay noong Agosto 5 kung saan binomba ng tubig ang PCG. Isang barko lang ang nakapaghatid ng supply sa Sierra Madre. Ang ikalawang insidente ay noong Agosto 22 na hinarang din ng CCG ang PCG pero nakalusot. Ang ikatlo ay noong Setyembre 5 kung saan nagkaroon ng habulan at ginitgit ng CCG at iba pang Chinese militia vessels ang mga barko ng PCG at ang supply ship. Tatlong oras nagkaroon ng habulan at muntik-muntikan nang mabangga ng CCG ang PCG. Ang ikaapat ay noong ikatlong linggo ng Setyembre makararaang maglagay ng floating barriers ang CCG sa Scarborough Shoal kung saan hinarang na naman ang mga barko ng PCG habang nagsasagawa ng resupply mission.

Hanggang kailan titiisin ang ginagawa ng China? Sobra­ na. Kailangan nang magkaisa ang lahat para laba­nan ang ginagawang pagyurak ng China sa ating sobe­renya. Harap-harapan nang pinupugayan ng dangal sa sariling teritoryo. Kailangan nang magpakita nang paglaban sa naghahari-hariang China.

Nararapat mapakinggan ang paninindigan ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. sa panibagong panggigipit na ginawa ng China. Palalampasin ba ito?

BRP

CHINA COAST GUARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with