^

PSN Opinyon

China pinakahuling komolonya sa Taiwan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Ang super-mayoryang lahing Han sa China ang pinaka-huling komolonya sa Taiwan. Hindi purong Han mula Fujian­ ang karaniwang Taiwanese. May halo silang Okinawan, Hapon, Portuguese, Kastila, Dutch, English, French at katutubo.

Ang mga katutubo ay mala-Negritos ng Pilipinas at abo­rigines ng Australia. Daang-libong taon noon tumawid ang mga sinaunang tao mula Africa patungong Asia. Napadpad sa Taiwan at mula doon kumalat sa Pacific islands.

Siglo-1600 simulang dumayo sa timog ng isla ang Han Chinese, karamihan smugglers at pirata. Inapi ang 100,000 katutubo, ani Tonio Andrade sa librong How Taiwan Became Chinese: Dutch, Spanish, and Han Colonization in the Seventeenth Century. Sumunod ang mga manganga­lakal at magbubukid na Han, tumakas sa kalupitan at karalitaan sa mainland.

Samantala inagaw ng Dutch, 1624-1662, ang mga kuta ng Kastila sa hilaga at Portuguese sa timog. Binuwisan ng Dutch ang Hans, pati Okinawans at Hapon sa hilaga, bilang subjects ng monarkiya nila. Inalipin nilang lahat ang mga katutubo.

Nang matalo ang Japan sa World War II, inangkin ni Kuomintang Gen. Chiang Kai-shek ang Taiwan para sa Republic of China, 1947. Nagtalaga ng governor na nag-martial law sa mga umalsang Taiwanese.

Tinalo ni komunistang Mao Zedong sa civil war si Chiang na tumalilis sa Taiwan, 1949. Inobliga ng People’s Republic of China ni Mao ang United Nations na PRC lang ang kilalanin. Sa Olympics nagiging Chinese Taipei ang tawag sa ROC.

Naging malaya’t demokratiko ang isla. Hinahalal ang president at parliament. Kapitalismo ang sistema. Ni isang saglit ay hindi nahawakan ng komunista ang Taiwan. Pero propaganda nito sa mundo na probinsiya lang nila ito. May batas ang Beijing na tungkulin ng komunista isailalim ang isla. Naghahanda ang Taiwan sa giyera.

vuukle comment

DUTCH

OKINAWAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with