^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Unahin, kapakanan ng OFWs sa Israel

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Unahin, kapakanan ng OFWs sa Israel

Milyong Palestinians ang lumilikas o nakalikas na sa Gaza Strip makaraang magbabala ang Israel Defense Forces (IDF) na magsasagawa ng air and ground assault sa Hamas militants. Binigyan ng 24 na oras ang may 1.1 milyong naninirahan sa Gaza na mag-evacuate at magtungo sa southern part upang makaiwas sa gagawing assault. Nagkaroon ng exodus sa Gaza makaraan ang babala. Sabi ni Israel Prime Minister Benjamin Netan­yahu, na nagsisimula pa lamang ang pagwasak sa Hamas makaraang patayin ng mga ito ang 1,300 Israeilis at iba pang nationalities noong Oktubre 7. Pagbabayaran umano ng Hamas ang kanilang ginawa.

Sorpresang sinalakay ng Hamas militants ang isang musical events sa border ng Gaza na dinaluhan nang maraming tao. Pinagbabaril ang mga tao habang nagka­kasayahan. Marami ang hinostage at isinakay sa truck. Marami ring militante ang sapilitang pinasok ang mga bahay at pinagbabaril ang mga nakatira. Tatlong Pilipino ang ni-report na napatay sa pagsalakay ng Hamas­ sa mga bahay-bahay. Isa sa mga Pinay na napatay ay caregiver na nakatakda na sanang umuwi sa Disyembre. Kinilala ang Pinay sa hindi matatawarang pagsisilbi sapagkat hindi nito iniwan ang inaalagaang matanda nang maganap ang pagsalakay ng Hamas.

Nakababahala naman ang report na mayroong pitong Pinoys na nawawala at hanggang ngayon ay hindi pa ma­laman ang kanilang kinaroroonan. Napahiwalay umano ang mga Pinoy sa kanilang employer nang sumalakay ang Hamas. Pilit silang kinokontak sa kani-kanilang cell phone pero wala umanong sumasagot.

Nabatid naman na 92 Pinoys ang nais nang umuwi sa Pilipinas dahil sa matinding takot na madamay sila sa kaguluhan. Ayon sa mga Pinoy, wala silang nadalang gamit dahil sa pagmamadaling makatakas. Ilang pirasong damit lang umano ang kanilang nadala. Humi­hingi sila ng tulong sa pamahalaan na mailikas na sila sa Israel. Habang tumatagal umano ay nadaragdagan ang kanilang takot at pangamba na mapabilang sa mga tinamaan ng bala. Hindi raw nila malilimutan ang bangu­ngot na nangyari noong Oktubre 7.

Ipinag-utos naman ni President Ferdinand Marcos Jr. sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan na iprepara ang ayuda para sa mga Pinoy na uuwi mula Israel. Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary ­Eduardo de Vega, gusto umano ng Presidente na may livelihood assistance ang uuwing OFWs. Ihanda raw ang financial assistance. Kunin daw ang pondo sa Department of Migrant Wor­kers at Overseas Workers Welfare Admi­nistration.

Maganda ang planong ayuda pero mas mainam kung uunahin muna ang pag-repatriate sa OFWs sa nagkakagulong Israel. Kapag nailikas na ang OFWs saka isagawa ang iba pang tulong. Alisin muna sila sa lugar nang nagliliparang missiles.

IDF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with