^

PSN Opinyon

IRM ng PhilHealth, 100% liquidated na — COA

AKSYON NGAYON - AL G. Pedoroche - Pilipino Star Ngayon

Sa ikapapanatag ng isip ng mga kasapi ng PhilHealth, ang Interim Reimbursement Mechanism (IRM) nito ay 100 porsiyentong liquidated na. Ito ay bagay na kinumpirma ng Commission on Audit. Ang IRM ay pondong pangkagipitang ibinibigay sa mga ospital para sa mga sitwasyong gaya ng kalamidad. Kasama na riyan ang kaso ng health emergency na naranasan natin noong may COVID-19 pandemic.

Ang kabuuang pondo na naipagkaloob sa 711 health facilities sa buong bansa noong may pandemic ay P15 bilyon. Siniseguro ng PhilHealth na ginamit sa tamang layunin ang pondo. Ipinairal ito sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic at ang basehan sa paglilipat ng pondo sa mga katuwang na pasilidad ay ang 90 araw ng taunang historical benefit claims ng mga pagamutan.

Kahit magtanong sa Commission on Audit (COA) ang mga nag-aakusa ng katiwalian laban sa PhilHealth, maku­kumpirma na ang buong halaga ay fully liquidated na at fully­ compliant din ang ahensya sa mga naging rekomen­dasyon ng COA. Sa katunayan, ang pondo ay nakatulong ng malaki sa pagpigil sa mabilis na paglaganap ng COVID-19. Ito ay sa pamamagitan ng maagap na pagsusuri at paggamot sa mga pasyenteng dinapuan ng sakit na nabanggit.

Nagsimulang ipaalam ng ahensiya sa publiko ang tungkol sa liquidation ng IRM sapul pa noong Hulyo 31, 2020. Kabuuang 16 updates ang nilathala ng PhilHealth sa website nito na ang pinakahuli ay noong  February 7, 2023. Ayon sa COA ang pondo ay fully liquidated ng 711 recipient facilities. Batay sa sulat nito noong Sept. 22, 2023, ang PhilHealth ay ganap na naka-comply sa IRM transactions at recommendations, kasama na ang nauukol sa buwis­. Kaya ang mga alegasyon laban sa mga opisyal ng ahensya ay walang basehan. Wala ni isang kusing na ibinulsa ng sino mang opisyal ng PhilHealth.

Tungkol naman sa nangyaring ransomware attack, muling ipinaaalala ng PhilHealth sa publiko na maging mapagmatyag dahil sa sinasabing nakompromisong mga datos na sa ngayon ay inaaral na ng PhilHealth. Ipina­payo ng otoridad ang pagpapalit ng password sa mga online accounts, huwag sagutin ang mga kahina-hinalang tawag­, huwag basta i-click ang mga link na ipinada­dala sa email.

COA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with