^

PSN Opinyon

Lemon at calamansi water, mayaman sa Vitamin C

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang lemon at calamansi ay mayaman sa vitamin C at fiber na maganda sa balat, mata at puso. Isang anti-oxidant ang Vitamin C na nagbibigay proteksiyon sa selula. Posible na makatutulong din sa sipon, lagnat, at problema sa gilagid.

Ang mga citrus fruits, tulad ng lemon, dalandan, orange at calamansi ay mayaman sa Vitamin C na kailangan para ma-absorb ng katawan ang iron at hindi maging anemic.

Hindi pa tiyak pero maaring makatulong sa pagpapayat ang lemon dahil binabawasan nito ang gana sa pagkain. Kapag uminom ng lemon water ay mas busog ka. Kaya konti na lang ang makakain.

Dahil umiinom ka nang mas maraming tubig, makatutulong ito para hindi ma-dehydrate at kumulubot ang balat. Makaiiwas din sa pagbuo ng bato sa bato (kidney stones).

Mag-ingat lang dahil kapag matapang ang pagkakagawa ng lemon water, puwedeng makasama sa may ulcer at makasira ng ngipin.

Subukan ang ganitong timpla: Ihalo ang 1 lemon sa 1 litro na tubig. Tamang-tama ang ganitong timpla.

VITAMIN C

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with