^

PSN Opinyon

Nauulit ang kasaysayan

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Isang bantog na quotation ang hindi malilimutan ng daigdig mula sa labi ni Adolf Hitler: “Germany today, tomorrow the world!” Takot sumalungat ang mga Aleman kay Hitler dahil ang mga kontra sa Nazi principle ay inililigpit.

Malupit na diktador si Hitler  na nagpapatay sa pamamagitan ng gas chamber sa libu-libong Hudyo sa proseso ng kanyang nabigong tangkang sakupin ang daigdig. Dayaboliko ang naging pamamalakad niya.

Hanggang ngayon, kinasusuklaman siya ng mga tao sa mundo pati ng sariling kamag-anak. ‘Yung mga kadugo niya ay nagpalit na ng apelyido kaya wala nang pangalang “Hitler” sa Germany.

Ang katauhan ni Hitler ay nabuhay sa pagkatao ni Chinese President Xi Jinping. Pareho sila ng adhikaing sakupin ang buong daigdig kahit walang ibang nasyon na sumusuporta rito.

Halos lahat ng bansa ay sumusuporta sa Pilipinas na ang ina­angking teritoryo sa karagatan ng China ay atin. Ang pina­kahuling deklarasyon ng China ay “indisputable” ang kanilang soberenya sa West Philippine Sea, bagay na pinalagan ng Armed Forces of the Philippines.

Lango sa kapangyarihan ang China. Inakala nila na hindi nila kailangang suportahan ng ibang bansa dahil sa taglay nilang lakas. Maaaring wala pang maramihang pagpatay ang iniuutos ni Xi gaya ng ginawa ni Hitler. Pero huwag nawang mangyari ito.

Matutulad lang siya kay Hitler na kinitil ang sariling buhay at hanggang ngayon ay kinapopootan ng halos lahat ng tao sa mundo. Sarili man niyang kababayan ay nasusuklam kay Xi ngu­nit tikom ang labing magprotesta. Takot silang matulad sa mga Hudyo na ipinapatay ni Hitler.

ADOLF HITLER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with