^

PSN Opinyon

Mahalagang payo sa mga kabataan

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

Ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang isa sa mga pinaka-paboritong pinagkukunan ng empleyado ng mga opisina, mapa-gobyerno man o pribadong sektor.

Sa isang credible survey na isinagawa ngayong taon, nakita na 25 porsiyento ng 700 kompanya mula sa 42 industriya ang nais kumuha ng PUP graduates dahil sila’y team players, masipag at handang matuto.

Kaya itinuturing kong malaking karangalan nang nabigyan tayo ng pagkakataon na maging guest speaker sa 2023 Year-End Commencement Ceremony ng PUP.

Kabilang sa mga nakinig sa atin ay 1,916 estudyante mula sa College of Accountancy and Finance at College of Political Science and Public Administration, pati na ang kanilang mga guro at mga mahal sa buhay.

Bilang mga iskolar ng bayan na pinanday ng kauna-unahang pampublikong pamantasan sa ating bansa, malaki ang inaasahan sa kanila.

Kaya hinimok ko sila na manguna sa pagtahak sa landas tungo sa ikauunlad at ikabubuti ng ating bansa at ng nakararami at dalhin ng buong pagmamalaki ang pangalan ng PUP.

Nag-iwan din ako sa kanila ng payo na palagi ko ring ibinibigay sa bawat kabataan na aking nakakasalamuha, at sana ay makatulong sa kanilang paglalakbay tungo sa pinapangarap nilang magandang buhay para sa kanilang sarili at mga mahal sa buhay.

Una, hiniling ko sa kanila na patuloy na labanan ang iba’t ibang uri ng kawalan ng katarungan sa ating lipunan at maging boses ng mga inaapi at tagapagtanggol ng karapatang pantao.

Pinayuhan ko rin sila na gulatin ang mga magiging boss at kasamahan sa trabaho sa pamamagitan ng pagtugon sa hamon ng makabagong panahon at mabilis na paglago ng teknolohiya, partikular na sa larangan ng artificial intelligence (AI).

Tiwala ako na ang ating mga graduate ay may sapat na kaalaman at kasanayan para maging handa sa mga darating na pagsubok sa kanilang piniling larangan.

Pinakamahalagang bilin ko—gulatin ang sambayanan sa pamamagitan ng pagtatanggol sa katotohanan.

Sa panahon ngayon na laganap lalo na sa social media­ ang fake news, disinformation, misinformation, bias, pro­pa­ganda at manipulation, higit nating kailangan ang mga kaba­taang mapanuri para hindi tayo mabalot ng dilim ng kasinungalingan.

Umaasa ako na ang mga payong ito ay isasaisip at isa­sapuso, hindi lang ng PUP graduates, kundi ng lahat ng mga kabataan na kaisa natin sa paghahangad ng mas maunlad na Quezon City at Pilipinas.

PUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with