^

PSN Opinyon

Maganda ang ani sa Capiz

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Masagana ang ani ng palay ng mga magsasaka sa Capiz. Nag-aani na ngayon sa mga bayan ng Panay, Panitan, Pon­tevedra, President Roxas, Pilar, Maayon at Sigma. Kaya hindi na nararamdaman ang mataas na presyo ng bigas sa probinsiya.

Maganda rin ang naging resulta ng programa ni Capiz Governor Fredineil Castro na huwag ibenta ng mga mag­sasaka ang kanilang aning palay sa mga negosyante. Ini­luluwas kasi sa Metro Manila. Patuloy din ang pagsisikap ng governor na magkaroon ng spillways ang tubig baha na nagmumula sa second. distrito ng Capiz. Nagkaroon kasi ng dredging sa mga sapa mula sa Panitan at Panay.

Ngayong masagana ang ani ng palay ng mga magsa­saka sa Capiz, maganda kung maibebenta ang mga ito sa National Food Authority para magkaroon ng stock ng bigas ang Capiz ng bigas at mapapababa ang presyo nito. Mas magiging masagana pa ang ani kung susuportahan ang mga magsasaka ng national government sa pamamagitan ng pagpababa ng presyo ng abono, pesticide at mga maki­narya sa pagbubukid.

Sa kasalukuyan, mabibilang na lamang ang mga taong­ interesado sa pagtatrabaho sa bukid. Kaya wala nang makuhang trabahador kaya makinarya na lamang ang pag-asa nila para magbungkal at mag-ani ng kanilang mga pananim.

Dito sa Capiz, hindi lang palay ang produksyon kundi pati sugarcane at mais. Kaya sa tingin ko, walang magu­gutom dito sa lalawigan dahil produktong pang-agrikultura ang pangunahing produksyon. Kaya kung mapapa­baba ang presyo ng fertilizer at pesticide siguradong ma­laki pa ang maaani ng mga Capizeños.

Pagdating naman sa aqua culture, umiire ngayon ang mga magpupunong (fishpond owners) dahil bumababa ang produksyon ng bangus, alimango, sugpo. Patuloy ang pag-ulan na nakakapekto sa pagpasok ng tubig alat sa pala­isdaan.

Nahihirapan din sa pag-angkat ng semilya ng alimango na nagmumula sa Bicol Region, Cagayan, Samar at  Catanduanes dahil sa epekto ng pagbaha at sama ng panahon.

Nanawagan ang fishpond owners sa Capiz governor na tulungan sila na mapababa ang presyo ng abono. Malaki rin ang epekto nang patuloy na pagtaas ng presyo ng gasoline at diesel. Sa kabila ng mga pagsubok na ito, ang mga Capiznon ay hindi basta-basta sumusuko sa hirap. Lalo pa silang nagiging masikap at masipag upang maitagyod ang kanilang pamilya.

CAPIZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with