Ba’t sumasakit ang balikat
ANG sakit ay maaaring galing sa loob ng joints ng balikat at sa paligid ng muscle, ligaments at tendons. Karaniwang lumalala ang sakit kapag ginalaw ang braso at balikat. Ang sobrang pananakit ng balikat ay nakasentro sa itaas na bahagi ng braso, likod at leeg.
Tips para makaramdam ng ginhawa ang balikat:
1. Ipahinga ang balikat. Limitahan ang pagbubuhat ng mabibigat o mga gawaing na ginagamitan ng paibabaw o paitaas na galaw ng apat hanggang pitong araw.
2. Lagyan ng cold pack ng dalawa hanggang tatlong araw, pagkatapos ay hot pack naman. Gumamit ng cold pack o towel na mayroong nakabalot na yelo na 15 hanggang 20 minutos kada oras para mabawasan ang pamamaga. Gawin ito kada oras. Pagkaraan ng dalawa o tatlong araw, kung ang sakit at pamamaga ay bumuti, maaaring mag-apply ng hot packs o heating pad. Maaaring makatulong magpa-relax sa namamagang muscles. Limitahan ang pag-a-apply ng init sa loob ng 20 minuto.
3. Gumamit ng mga over-the-counter na pain medication tulad ng pamahid sa kirot, at tableta tulad ng ibuprofen at paracetamol. Panandalian lang ang paggamit nito.
4. Mag-strecthing. Pagkatapos ng isa o dalawang araw, gumawa ng mga magagaang exercise para mapanatili ang muscle ng balikat na maging malambot. Kung maaari, palakasin ang balikat. Kung hindi ito igagalaw maaari itong maging dahilan ng paninigas ng joints.
5. Maghinay-hinay. Maghintay hanggang sa mawala ang pananakit bago unti-unting bumalik sa mga gawain na naging dahilan ng pagkapinsala. Minsan, kailangan ng tatlo hanggang anim na linggo para tuluyang gumaling.
6. Suriin ang sports na ginagawa. Kung ang mga gawain gaya ng tennis, baseball, golf o iba pang sports ang dahilan ng pananakit, kailangan mong magpalit muna ng sports o magpahinga.
7. Kumunsulta sa doktor kung ang balikat ay hindi pantay, hindi maiangat ang apektadong kamay, sobrang panlalambot ng balikat at may pamumula, pamamaga o lagnat.
- Latest