^

PSN Opinyon

Makikinabang tayo mula sa dayuhang refugees

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

INSTITUSYON sa Puerto Princesa City si Butch Chase, pilantropo, environmentalist at may-ari ng sikat na Kinabuch resto bar. Light brown ang buhok, blue ang mata, puti ang balat, lahing Russian si Butch. Lumisan ang mga ninuno niya mula sa sariling bansa bago mag World War II sa takot­ sa Komunistang rehimen. Kinupkop sila ng Pilipinas kung saan isinilang si Butch, na tumulong paunlarin ang Puerto.

Mula Panahon ng Kastila hanggang ngayon maraming­ dumarayong southern Chinese para maghanapbuhay sa Pilipinas. Sa Davao nu’ng dekada-1930 nanirahan ang mara­ming Japanese. Nu’ng World War II tinanggap ng Pilipinas ang European Jews na tumalilis mula sa Holocaust.

Dekada-1970 tinanggap sa Bataan at Palawan ang Viet­namese “boat people”. At kasalukuyang tinatanggap ang mga Rohingya refugees mula sa Myanmar civil war. Idag­dag pa ang Koreans.

Nakakatulong ang mga dayuhan sa pag-unlad ng mga bagong komunidad nila. Natuto sa kanila ang mga Pilipino ng bagong kultura, putahe, pananamit, awitin, teknolohiya, kagamitan, negosyo.

Nakikiusap ang Amerika na pansamantalang kup­kopin­ ang Afghan refugees mula sa rehimeng Taliban. Kabilang du’n ay mga dating empleyado ng gobyerno at mga kum­panyang Amerikano.

Tinutuligsa ito ni Senator Imee Marcos. Aniya, gina­gamit lang tayo ng imperyalistang bansa.

Dapat tulungan ang kaalyadong U.S. Tinulungan nila ang Pilipinas na sugpuin ang teroristang Abu Sayyaf at Jemaah Islamiyah.

Pero maski hindi nakiusap ang Amerika, ituloy sana ng Pilipinas ang pagiging bukas-loob sa refugees. Tandaan na naging pinaka-mayamang ekonomiya ang Amerika dahil sa iba’t ibang lahi roon.

* * *

 

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

ENVIRONMENT

PUERTO PRINCESA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with