^

PSN Opinyon

ZINsters: Fun sports sa mga Pinoy sa Qatar

PINOY OVERSEAS - Ni Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Sa bansang Qatar na pinaninirahan ng mahigit 200,000 Pilipino, naglipana ang mga organi-sasyon ng mga overseas Filipino worker na nagtataguyod ng aktibo at malusog na pamumuhay tulad ng pag-eehersisyo at paglahok sa mga palakasan.  Nariyan ha-limbawa ang grupo ng mga mahilig sa basketball; volleyball; football; swimming; tennis; boat racing; athletics;  handball;  boxing;  sailing/ rowing; karate/ judo/ taekwondo; gymnastics at iba pa. May mga grupo pa nga na nagdadaos ng mga patimpalak sa pababaan ng timbang ng katawan. Hindi ito naging mahirap para sa mga OFW lalo na at ang pamahalaan ng Qatar ay aktibo sa pagtataguyod ng ehersisyo at healthy lifestyle para sa mga mamamayang (local man o dayuhan) namumuhay sa naturang bansa.

Bukod sa nakakapagpalakas ng kanilang kalusugan, nakakatulong sa mga OFW ang pag-eehersisyo at paglahok sa mga grupong pampalakasan para makaagapay sila sa pamumuhay sa isang dayuhang lupain at maibsan ang kanilang homesickness.

Tulad sa ibang mga bansa sa mundo, isa sa mga malaganap ding na klase ng ehersisyo sa Qatar ang Zumba na isang  aerobic / dance workout at naging patok din sa mga OFW doon.

Noong taong 2019, ayon kay Darlene Regis ng Qatar Tribune, apat na Pilipina sa Qatar na mahilig sa sayawan ang nagbuo ng isang grupo na naglalayong himukin ang mga kababayan nila at ibang lahi roon na magtamo ng malusog at masayang pamumuhay. Bininyagan nila ang kanilang grupo sa pangalang ZINsters. Kabilang sa kanilang mga lisensiyadong instructor sina Janice M. Magsalin (Zin Barbie), Morena M. Altura (Zin Morena), Arlene M. Valin (Zin Arlene), at Richelle Virtudazo (Zin Rich).

Ngayong buwan ng Setyembre, ipinagdiwang ng ZINsters ang kanilang ikaapat na taong anibersaryo. Nakabase sa Doha, Qatar ang ZINster na lisensiyado ng Zumba Ins-tructor Network (ZIN).  Naghahalo sa kanilang Zumba ang low and high-intensity moves for a calorie-burning dance fitness exercise. Nagpursige silang maghatid sa mga komunidad ng mga Pinoy sa Qatar ng may kalidad at abot-kayang bulsa na mga dance and fitness programs.

Sinasabi naman ng ZINsters na ang Zumba ay isang fun sport na angkop sa mga gustong magsayaw. Nakakabawas ito ng stress at nagpapalusog ng katawan.  Binanggit nila na popular sa mga OFW ang Zumba dahil isa nang malaking bahagi ng kulturang Pilipino ang pagsasayaw. “Gusto lang naming magsayaw. Ang mga galaw at musika sa Zumba ay higit pa sa isang dance party at pagkakaroon ng mga bagong kaibigan,” dagdag ng grupo.

Nagbibigay din ang ZINsters ng mga klase kaugnay ng Zumba sa iba’t ibang dayuhan sa Qatar, hindi lang sa mga Pinoy. Meron silang Zumba class para sa mga batang edad syete hanggang 18 taong gulang, Regular Zumba para sa mga edad 18 anyos pataas at Zumba Gold para sa mga edad 50 anyos pataas.

Bawat instruktor ay nagsusumite ng kani-kanilang playlist ng Cumbia, Merengue, Salsa, Reggaeton, Samba, Belly Dance, at Bachata. Mga Zumba steps ito na matututuhan sa mga klase ng ZINsters. Nasisiyahan sila kapag masaya ang kanilang mga estudyante, pinagpapawisan at nagiging maliksi habang nagsasayaw.

Bukod sa mga nabanggit, nag-oorganisa rin ang ZINsters ng mga event tulad ng Zumba Glow at Zumba fever sa mga espesyal na oka-syon. Isang mensahe nga ng ZINsters sa kanilang mga kababayan, “Minsan lang tayo nabubuhay. Mabuhay nang malusog at masaya.”

* * * * * * * * * * *

 

Email – [email protected]

 

OFW

WORKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with