^

PSN Opinyon

Kailangang palakasin ang relasyon

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Ano naman ang masama kung pinalalakas natin ang relas­yon ng bansa sa ating kaalyado? Nagpahayag kasi si Sen. Robin Padilla na sobra raw ang pagdedepende ng Pilipinas sa United States. Si Defense Sec. Gilberto Teodoro mismo ang nagpahayag na kailangang palakasin ang ating relasyon sa kaalyado kasi iba na ang kilos ng China sa South China Sea. Agresibo na sila.

Kitang-kita kay Padilla kung sino ang mas nais niyang kaalyado. Kinuwestyon pa nga niya kung bakit may eroplano ng U.S. Navy noong nagdala ng suplay sa BRP Sierra Madre. Malaya ang himpapawid para sa anumang eroplano sa ibabaw ng international waters.

Kung nais nila sabayan ang ating pagdala ng supplies sa Ayungin, malaya silang gawin ito. Kung may eroplano ba ng Chinese Navy o Air Force na tila sumasabay sa mga barko natin, pupunahin ba niya?

Masabi ko rin na iba ang Chinese Coast Guard (CCG). Una, sila ang pinakamalaki sa buong mundo. Mas malaki pa sila sa Hukbong Karagatan nang maraming bansa. Sila ang may pinakamalaking barkong coast guard sa mundo. Nasa 410 ang bilang ng kanilang mga barko.

Pangalawa, tama si Defense Undersecretary Ignacio Madriaga sa kanyang pahayag na hindi na maituturing na sibilyan ang CCG dahil sumasailalim na sila sa Central Military Commission ng China. Malinaw na nilipat na sila mula sa pagiging sibilyan.

Ang layunin ng coast guard ay bantayan ang teritoryo­ ng bansa, kabilang na ang search and rescue pati ang laban kontra smuggling, terorismo. Tila pulis ng karagatan nga. Pero kasama ba sa layunin nila ang pananakot at dahas sa mga barko ng ibang bansa? At napakalayo na nila sa pinakamalapit na dalampasigan ng China.

Kung sasabihin nila na sa teritoryo nila ang halos buong South China Sea, dito nga nagkakaproblema dahil hindi na ito kinikilala dahil sa desisyon ng UN Permanent Court of Arbitration. Walang saysay ang kanilang Nine-Dash Line na ngayon ay Ten-Dash Line na.

Agresibo ang CCG at ang Chinese militia sa atin. Hindi dapat ganyan ang kilos ng tinatawag ng dating administrasyon na kaibigan. Kailangan nating panindigan ang ating karapatan sa karagatan. Kung may tutulong sa atin na kaalyado, bakit hindi? Hindi ko rin maintindihan kung bakit mas pinupuna ang tumutulong at hindi yung agresibo.

GILBERTO TEODORO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with