^

PSN Opinyon

Mga sakit sa mata kapag nagkakaedad

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Narito ang mga sakit sa mata kapag tumuntong sa edad 40 pataas. Ipa-check-up sa ophthalmologist o doktor sa mata kung makararanas ng mga ganitong sintomas:

1. Katarata – Ang lente ng mga mata ay parang may ulap o puti sa gitna. Ang kulay ay madilim at mabilis masilaw, hirap sa gabi, madalas magpalit ng salamin sa mata, kupas ang kulay na nakikita o doble ang nakikita. Gamutan: (1) tamang grado ng salamin, (2) mas maliwanag na bahay sa labas, (3) sunglass, (4) huwag mag­maneho sa gabi (5) operasyon sa katarata.

2. Presbyopia – Ang lente ay hindi maka-focus kaya hindi mabasa ang malapitan na letra. Magpagawa ng salamin.

3. Eye floaters – Ito ‘yung may lumulutang na bagay sa pani­ngin. Kung paisa-isa lamang ang nakikita ay hindi naman deli­kado dahil ito ay dulot ng pag-edad. Ngunit kung dumami, kaila­ngan ng magpatingin.

4. Panunuyo ng mata (dry eyes) – Sobrang pagluluha at magaspang ang pakiramdam na parang may puwing sa mata. Patakan ng artificial eye drops.

5. Age-related macular degeneration – Kung saan ang macula ng mata ay humihina. Ang sintomas nito ay: (1) ang maliit na letra at malabo ang mata, (2) ang kulay ay nababawasan, (3) hirap maka-aninag ng mukha, (4) nag-iiba at parang alon-alon ang nakikita, at (5) lumalayo ang mga bagay. Kumonsulta sa isang eks­perto sa mata gaya ng Retina Specialist. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa Vitamin A, C, E, zinc, copper, para hindi lumala.

6. Glaucoma – Tumataas ang presyon sa mata. Madalas ay wala itong babala kaya hindi agad napapansin. Ang sintomas ay: (1) hirap ang paningin sa gabi, (2) tunnel vision, (3) malabo, (4) may “halo” o bilog sa liwanag, (5) namumula ang mga mata, (6) masakit ang ulo o ang mga mata, (7) pakiramdam na parang nasusuka at nahihilo, at ( 8 cell damage sa optic nerve. Kumonsulta agad sa Eye Specialist para hindi mabulag.

7. Drooping Eyelid (Ptosis) – Humihina ang muscle sa talukap ng mata kaya minsan ang balat ay tumatakip sa mata. Ino-operahan ito kung nakatakip na sa mata.

8. Diabetic Retinopathy – Kapag hindi nakontrol ang dia­betes ay puwedeng masira ang mata at mabulag. Dapat nasa normal palagi ang iyong blood sugar.

9. Retinal Detachment – Sa pag-edad, ang mga ugat na nagdadala ng dugo, oxygen at nutrisyon sa likod ng mata ay lumalayo. Ang retina ay numinipis, nagkakaroon ng maliliit na butas at nalalagyan ng fluid kaya lumalayo ang retina sa ugat. Gayundin ‘pag may diabetes. Ang sintomas ay may bagong floaters or light flashes, wavy, dark shadow sa paningin, parang nakasisid sa tubig. Kumunsulta agad sa doktor.

10. Kumunsulta sa eye doctor kung biglang lumabo ang mata, may flashes ng liwanag, masakit ang mata, biglaang pagdoble ng nakikita, biglang pamumula o namaga ang talukap ng mata.

MATA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with