^

PSN Opinyon

Mga pagkain na nakatutulong para mahimbing ang tulog

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Para maging malusog ang katawan, kailangan ang sapat­ na tulog. Narito ang mga pagkaing makatutulong para maging mahimbing at masarap ang pagtulog sa gabi:

1. Saging

Ang saging ay may tryptophan at carbohydrates na makatutulong sa paggawa ng serotonin. Ang serotonin ay nagpapa-relaks sa atin. Nababawasan din ang stress.

2. Kamote o sweet potato

Ang kamote ay may masustansyang “complex carbo­hydrates.” Hindi ito gaano nagpapataas ng asukal sa dugo. Mayaman din ang kamote sa fiber, vitamins B6, C and E, folate at potassium.

3. Oatmeal at cereals.

Sa gabi, puwede naman hindi magkanin paminsan-minsan. Subukan ang 1 bowl ng oatmeal o cereals sa hapunan. Ang oatmeal ay may vitamin B6 at melatonin na makatutulong sa pagtulog. Puwedeng lagyan ng saging at gatas na masustansiya rin.

4. Gatas

Tama ba ang pag-inom ng gatas para makatulog? Tama po. May basehan ito dahil ang gatas ay may tryptophan. Ang tryptophan ay nagiging serotonin sa katawan at ito ang nagpapasaya at nagpapa-relaks sa atin. Mas mabilis ka pang aantukin.

5. Chamomile tea.

Ang mainit na chamomile tea ay mabisang pampatulog. Mabuti ito sa tiyan, pinaparelaks ang stomach muscles, at may amoy na nagpapakalma rin.

6. Kaunti lang ang kainin

Kumain lang ng kaunting kanin, gulay at isda. May kasabihan na, “No food intake after 6:00 p.m. or 7:00 p.m. Tama po ito. Gusto nating matunaw maigi ang pagkain bago kayo matulog. Mababawasan din ang sintomas ng hypera­ci­dity­­ at GERD (Gastro-esophageal Reflux Disease).

7. Maglakad-lakad

Pagkatapos kumain sa gabi, maglakad-lakad muna ng 10-15 minuto. Ito’y para matulungan ang katawan sa pagtunaw ng ating kinain. Makaiiwas ka pa sa sakit (tulad ng bangungot syndrome) at mas hihimbing ang iyong pagtulog.

MALUSOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with