^

PSN Opinyon

Ang masustansiyang malunggay

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Alam ba ninyo na napakasustansiya ng malunggay? Bukod sa gulay na malunggay, marami rin ngayong nagbe­benta ng malunggay bread, malunggay noodles at iba pang pagkain na may sangkap na malunggay.

Very healthy ang malunggay at madali lang itanim. Ang sabi nga ng mga negosyante ay baka malunggay ang mag­papalakas ng ekonomiya ng Pilipinas.

Alamin ang mga benepisyong dulot ng malunggay:

1. Maraming bitamina. Ang dahon ng malunggay ay punumpuno ng calcium at iron. Ang calcium ay nagpapa­tigas ng ating buto at panlaban sa osteoporosis.

2. Kung ikaw naman ay anemic o kulang sa dugo, sagana ang malunggay sa iron na nagpapadami ng ating­ dugo.

3. Mataas sa protina, potassium, vitamin A at vitamin C ang malunggay. Ang mga bitaminang ito ay tinatawag na anti-oxidants. Ito ang lumalaban sa stress at nagpapabagal sa pag-edad ng ating katawan. Super-gulay talaga ang malunggay. Ang problema lang, dapat masanay ang bata na kumain nito.

4. Ang bunga ng malunggay ay masustansya rin at ma­taas sa carbohydrates, calcium, iron at phosphorus.

5. Dahil sa bitamina nito, ang malunggay ngayon ang pinapakain sa mga payat at malnourished na bata. Mura at masustansya ang malunggay. Puwedeng-puwede sa mga feeding program ng gobyerno at mga volunteer groups.

6. Para sa Maysakit. Pampalakas ito ng katawan. Kumain ng 1 tasang dahon ng malunggay araw-araw para ma­punuan ang bitaminang kailangan ng katawan.

7. Pamparami ng gatas ng ina. Kapag kulang ang gatas ng ina, kumain din ng 1 tasang dahon araw-araw. Puwede din pakuluan ang dahon at gawing tsaa at inumin.

8. Para sa constipated. Kapag ika’y tinitibi, kumain din ng 1-2 tasang dahon sa gabi. Makatutulong ito sa pag-normal ng iyong pagdudumi.

9. Itapal sa sugat. Kapag ika’y may sugat, puwedeng ilagay ang dinurog na malunggay leaves sa sugat. Hugasan muna ang dahon at durugin ito. Lagyan ng konting tubig at initin. Pagkatapos ay ilapat ang malunggay “paste” sa sugat.

10.Marami pang benepisyo ang malunggay. Kaya magtanim na ng malunggay sa inyong bakuran. Alamin kung paano gagawing negosyo ang malunggay.

MALUNGGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with