^

PSN Opinyon

Buwis sa petrolyo, alisin muna ni BBM

Pilipino Star Ngayon

Nabasa ko ang inyong editorial noong Agosto 1, 2023, na nagmumungkahing alisin na ang excise tax ng petroleum products upang mapababa ang presyo ng mga ito. Napakaganda ng inyong suhestiyon sapagkat tanging ito na nga lang ang solusyon sa walang humpay na pagtaas ng petroleum products particular ang diesel. Dati mas mababa ang presyo ng diesel pero ngayon ay mas mataas pa ito sa gasoline. Sa nangyayaring ito, lalong wala nang kinikita ang mga drayber ng pampublikong sasakyan gaya ng dyipni sapagkat ang ginagamit nila ay diesel. Kakarampot na nga ang kinikita nila ay lalo pang lumiit ngayon dahil sa linggu-linggong taas ng diesel. Ayon sa balita, mayroon na namang pagtaas sa susunod na Martes. Ito na ang panglimang sunud-sunod na pagtaas.

Sana naman ay makinig si President Bongbong Marcos­ Jr. sa hinaing nang nakararami na suspendihin ang excise tax ng petrolyo para bumaba ang presyo ng diesel, gasoline, kerosene at LPG. Ito na lamang ang tanging paraan para mabawasan ang nararanasang mabigat na pasanin sa buhay lalo ng mga mahihirap.

Kung magtutuluy-tuloy ang oil price hike, tiyak na hihi­ngi ng increase sa pasahe ang mga operator ng pampasaherong dyipni. At walang ibang apektado kundi ang mamamayan. Kapag nagtaas ang pasahe, tataas din ang presyo ng mga basic na pangangailangan. Kawawa ang mga kakarampot ang kinikita. Paano sila mabubuhay sa sitwasyong ito.

Pakinggan ni BBM ang panawagan nang nakararami na alisin na ang buwis sa petroleum products. —Jose Malapote, Valenzuela City

PRESYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with