^

PSN Opinyon

In 3 years lalawak pa ang PhilHealth 

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Saludo ako sa goal ng PhilHealth na sa loob ng susunod na tatlong taon ay mas lalong lalawak ang programa nito sa ilalim ng Universal Health Care sa bisa ng RA 11223 o UHC Act. Layon nito na makapagbigay ng libreng medical care sa bawat Pilipino, lalo na ‘yung pinakamahirap sa mga mahihirap. Iyan naman talaga ang disenyo ng PhilHealth—ang mabigyan ng medical service pati ‘yung mga nagpapalimos sa lansangan. Nakapaloob iyan sa Universal Health Care Act na pinangangasiwaan ng Department of Health, PhilHealth at iba pang ahensiya.

Importante ang ginagawa ng PhilHealth dahil kadalasan, sa kawalan ng pera, ang mga mahihirap na nagkakasakit ay namamatay na lamang nang hindi nakakatikim ng serbisyo ng mga manggagamot. Mabuti at may PhilHealth na may mga katuwang sa misyong makapagbigay ng medical service lalo na sa mga maralita, gaya ng PAGCOR at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Kapuri-puri ang pagpapabuti sa serbisyong ginagawa ng PhilHealth sa mga miyembro nito. Kung walang PhilHealth, papaano naman ‘yung mga walang-wala sa buhay na na­ngangailangan ng mga napakamahal na medical procedures gaya ng hemodialysis, heart bypass at iba pa. Tinitiyak ng PhilHealth na ang pondong nagmumula sa Philippine Charity Sweepstakes at PAGCOR, kasama na ang kontribusyon ng mga miyembro nito ay tanging sa serbisyong pangkalusugan lang mapupunta at wala nang iba.

Nauna nang pinalawak ng PhilHealth ang pagbibigay ng libreng hemodialysis na ginawang 156 sessions mula sa dating 90 sessions lang. Palalawakin din ang Z benefit sa ortho implant, gayundin sa post kidney transplant ­operations, breast cancer, prostate cancer at cervical cancer. Kung walang PhilHealth, siguradong mamamatay na lang ang mga may malubhang karamdaman sa kidney lalo pa at mangangailangan ng dialysis. Mantakin n’yong ang halaga ng dialysis bawat sesyon ay P3,000 ang pinakamura.

Kung ang dialysis ay kailangang gawin nang tatlong beses isang linggo, mangangailangan ang pasyente ng P9,000 kada linggo. Saan naman kukunin kahit ng average earner ang ganyan kalaking halaga? Kahit maykaya ka ay magkakandahirap sa ganyan kalaking gastusin—P36,000 kada buwan!

Maaari ring malibre ang mga pasyente kapag pinalawak ang benepisyo sa konsultasyon sa doktor sa pamamagitan ng Comprehensive Outpatient Benefits. Mayroon ding benepisyo para sa mga may sakit sa pag-iisip o mental patients. Natutuwa tayo at determinado ang PhilHealth na lumawak pa ang sebisyo nito para masaklaw ang lahat ng Pilipino. Marapat lang na suportahan nating mga Pilipino ang magandang adhikain nito.

UNIVERSAL HEALTH CARE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with