^

PSN Opinyon

Matira ang matibay at bugok

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

DISIPLINADO at mapagkapwa-tao ang mga mauunlad na lipunan, anang mga eksperto. Sa America nagbibi­gayan ang mga motorista, dahil kung hindi’y lahat magdurusa sa trapik. Nagkakaisa ang mga taga-komunidad sa kaayusan at kalinisan para walang mapahamak o mag­kasakit.

Sa Japan ugali magbigayan sa pila sa elevator o takilya­. Walang modo lang ang nakikipag-unahan. Nu’ng nabatid­ sa Fukushima ang nakamamatay na radiation dahil sa sumabog na nuclear plant, kusang nagpaiwan ang mata­tanda at lalaki para mailigtas ang mga bata’t babae. Mag­papatuloy ang kanilang lahi.

Asal patay-gutom ang maraming Pilipino. Sa kasagsagan­ ng pandemya nu’ng 2020 may mga may-kaya na nakipag-rambulan sa donasyong ayuda. Sa campaign rallies nu’ng halalan 2022 nag-aagawan sa pagkain at tubig; nagba­tuhan pa ng silya ang mga hindi nakakuha.

Hampaslupa pati mayayaman at makapangyarihan. Minomonopolyo nila ang mga industriya tulad ng ride-hailing, sugar imports at real estate. Nagpapatayan ang magkakalabang pulitiko para mailuklok ang dynasties.

Dinudusa nating lahat ang paghahati-hati sa barangay. Gusto nating malinis ang kalye, tahimik sa gabi, walang magnanakaw. Pero ayaw magbayad ng real property tax o makilahok sa paglutas ng mga suliranin. Ipinauubaya natin lahat sa pamunuan. Hindi naman sila superman at superwoman para magawa ‘yun.

Patuloy umuunlad ang mga dati nang maunlad. Ang Pilipinas ay parang lumulubog na barko. Umaalis ang mga edukado at iniaambag ang talino sa pag-unlad ng ibang lipunan.

Patuloy nawawalan ng pag-asa ang nakararaming nati­tirang Pilipino sa kapuluan. Kapos sa kaalaman at puhunan; makitid ang pananaw sa ibang tao. ‘Yan ang sasapitin ng mga makasarili.

* * *

 

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

NUCLEAR PLANT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with