^

PSN Opinyon

Epekto ng nanay at lola sa bata at lipunan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ISA’T KALAHATING bilyon ang nanay sa mundo ngayon, tripleng dami ng 500 milyon nu’ng dekada-1960. Dalawangpung porsyento sila ng populasyon ng tao, mula 17% noon. Humaba na kasi ang buhay at kumonti ang pagbubuntis. Karaniwang lifespan noon ay 51 taon; ngayon 72. Karaniwang anak noon ay lima; ngayon 2.4.

Dumami na rin ang lola’t lolo. Nagpangabot-abot ang tatlong henerasyon. Kung magpatuloy ito, magiging 2.1 bil­yon ang lola’t lolo sa 2050; 22% sila ng tao, mas marami kaysa mga batang edad 15-pababa.

Binabago ng lola’t lolo ang mundo. Lalo na ng mga lola kasi, batay sa pag-aaral, mas humuhusay ang mga batang laki sa kanila. Sa lahat ng bansa pinamumunuan ng lola ang disiplina at gawaing-bahay ng mga bata. Hinihimok pati pagsampalataya at kabutihang-asal nila.

Lola ang nagya-yaya ng mga apo. Dahil sa “apo-stolic duty” nila, nakakapaghanapbuhay ang mga nanay. Nada­ragdagan ang kita ng pamilya. Mas marami silang panggastos sa kagamitan, pagkain, gamot, edukasyon, biyahe, at liwaliw.

Sa nanay nakukuha karamihan ng katangian at ugali ng anak. Dahil ‘yan sa genetics. Ang chromosome ng babae ay “X”; sa lalaki ay “Y”. Kung ang fetus ay naging “XX”, ibig sabihin girl; kung “XY”, boy. Ang magiging mga anak ng girl ay “XX” at “XY” din. Sumasalin sa mga apo ang chromosomes ni lola.

Mas nararamdaman natin ang halaga ng nanay at lola pagpanaw nila. Nawawalan tayo ng sandigan, guro, at hingahan ng problema. Nami-miss natin ang amoy ng dibdib, kutob ng puso, lambot ng kandungan, tatag ng braso, at lambing ng salita. Naaalala ang kanilang ubo, halakhak, pangaral, pagkunsinti, pati istilo ng pagsasalita. Kapag natakot ang bukambibig natin ay “Nanay ko po”.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

PREGNANT

SAPOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with