Mga dapat gawin para hindi sumakit ang tuhod
Ang pananakit ng tuhod ay nararamdaman nang maraming tao. Kadalasang nag-uumpisa ito edad 40 pataas. Ang pangunahing dahilan ng pagsakit ng tuhod ay ang arthritis. Sumasakit din ang tuhod kung sobra sa timbang at sobra sa ehersisyo.
Mga dapat gawin para hindi sumakit ang tuhod:
1.Huwag magbuhat ng mabigat. Kung may bubuhatin, magpatulong.
2.Huwag palaging umakyat at bumaba sa hagdan. Malaki ang stress sa tuhod ng paggamit ng hagdan.
3.Huwag tumayo o maglakad nang matagal. Umupo paminsan-minsan at magpahinga. Mas relaks ang tuhod kapag nakaupo.
4.Huwag mag-high heels. Alam kong mas sexy ang babae kapag naka-high heels, pero malaki rin ang stress nito sa tuhod.
5.Huwag lumuhod sa sahig. Nakasisira ito ng tuhod. Kapag nasa simbahan, gamitin ang malambot na kutson para sa tuhod.
6.Kung sobra sa timbang, magpapayat. Hindi kaya ng tuhod ang bigat ng tiyan!
7.Gumamit ng malambot na sapatos para hindi matagtag ang tuhod.
8.Palakasin ang masel sa hita. May mga ehersisyo para rito. Puwede ang stationary bike o bending exercise ng bahagya lang. Masama ang sobrang pagbaluktot ng tuhod lampas sa 90 degrees.
9.Kapag umiinit ang tuhod sa matagalang paglalakad, lagyan ng malamig na bag o cold compress.
10.Palakasin ang buto. Uminom ng skim milk dahil marami itong calcium. Para sa mga kababaihan, uminom din ng calcium supplements.
- Latest