^

PSN Opinyon

Jueteng sa Taguig, ni-raid ng pulisya pero tuloy pa rin!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NA-RAID na ng pulisya ang jueteng sa Taguig City ng nakaraang buwan subalit patuloy pa ang operation nito. Sa pagkaalam ko, ayaw ni Taguig Mayor Lani Cayetano na magiging pugad ng ilegal na sugal ang kanyang siyu­dad. Anyare? Props lang kaya ang raid ng Taguig police noong Hunyo 14 kung saan 19 katao, kabilang na ang isang menor-de-edad ang naaresto? Hayyyyy nakupooooo! May kumita na naman dito, di ba mga kosa? Hehehe! Ano pa nga ba? Weder weder lang talaga.

Sa totoo lang, matagal nang nag-o-operate ang jueteng sa Taguig City na nagtatago lang sa Small Town Lottery na “Bet & Win.” Sa pagkatanda ko, naibigay sa gambling­ lord na si Renel Bernaldo ang prangkisa ng STL sa siyu­dad ni Mayor Cayetano nang patapos na ang termino ni dating PCSO General Manager Royina Garma. Nagtuluy-tuloy lang ang STL kuno operation ni Boss Renel, na dating video karera operator ng Quezon City. Hindi naman gina­galaw ang STL operations ni Boss Renel dahil legal naman ito, di ba mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kaya lang, humingi ng opinion ang Taguig police sa Business Permits and License Office patungkol sa jueteng operations ni Boss Renel na sinagot naman ni Atty Lyle Pasco, ang BPLO head. “This is to confirm that the Taguig City government, through the BPLO, has no record/data of any Small Town Lottery or any legal gambling, casino operating within Taguig’s area of responsibility,” ani Atty. Pasco. Araguuyyyyy! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Armado ng certification ni Atty. Pasco, nilusob ng Taguig police ang STL draw court ni Boss Renel sa 17 8th St. North Signal Village at naaktuhan ang 19 katao habang dinu-draw ang pangatlong draw na resulta ng jueteng. Nakumpiska ang bet money na nagkakahalaga ng P7,992, 14 bet cards o ruta, 5 winning numbers, 4 na record books, staplers, pentel pens, assorted pencils and ballpens at da­lawang celfones. Hehehe! Swak sa banga ang jueteng ni Boss Renel, ‘no mga kosa? Dipugaaaaa!

Ayon sa mga kosa ko, nang i-inquest ang mga suspects, hindi naman nagpakita ng permit sa LGU si Boss Renel, lalo na ang STL agreement niya sa PCSO. Kaya lalong lumakas ang Marites na jueteng ang kanyang palaro. Mismooooo!

Ang masama lang, matapos ang raid, nagpatuloy lang si Boss Renel sa kanyang jueteng operations na parang walang nangyari. Sino ang kumita? Ewan ko no? Hehehe! Dapat alamin  ni SPD director Brig. Gen. Kirby John Kraft kung bakit sobrang lakas naman ni Boss Renel at hindi natinag-tinag sa raid ng Taguig police. Abayyyyy, ang advice ko kay Gen. Kraft, bumili siya ng matibay na helmet para hindi siya mabukulan. Mismooooo! Hehehe! Lagot si Boss Renel pag nagkataon. Dipugaaaaa!

Malaki na ang ginastos ni Boss Renel sa piyansa at mukhang madadagdagan pa kapag kumilos ang bataan ni Gen. Kraft. Mismooooo! Abangan!

JUETENG

RAID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with