^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Hindi naman refugees ba’t dito pasisilungin?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Hindi naman refugees ba’t dito pasisilungin?

HINDI naman talaga mga refugees ang 50,000 Afghans na ipinipilit ng United States na dito muna pasilungin habang isinasagawa ang pagproseso ng kanilang special visa. Ang mga Afghan ay mga dating empleyado ng U.S. facilities sa Kabul, Afghanistan. Nang bumagsak ang Afghanistan sa Taliban rebels noong 2021, ang mga empleyado kasama ang kanilang pamilya na gustong tumakas sa nasabing bansa ay kinupkop ng U.S. at pagkakalooban ng special visa para makapanirahan sa alinmang estado ng U.S.

Habang pinuproseso ang pagbibigay ng visa, hiniling ni U.S. President Joe Biden sa Pilipinas na kung maaari ay dito sa Pilipinas mag-shelter pansamantala ang Afghans. Sasagutin daw ng U.S. ang lahat ng gastos habang narito ang Afghans. Pananagutan din daw ng U.S. ang mga maaaring mangyari habang narito sa bansa ang Afghans.

May mga sumang-ayon at hindi sa kahilingan ng U.S. Sabi ni Presidential Counsel Juan Ponce Enrile, wala raw masama kung patuluyin ang Afghans. Ganito rin ang sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na pabor siyang maging host ang Pilipinas sa Afghan refugees.

Tutol naman si Vice President Sara Duterte at Senator Imee Marcos sapagkat banta sa seguridad ng bansa kung dito patitirahin ang Afghans. Isa pa, marami nang problema ang bansa at hindi na dapat dagdagan pa.

Sabi naman ni President Ferdinand Marcos Jr. na wala pang ipinangangako ang Pilipinas sa U.S, sa kahilingan nito na tanggapin sa bansa ang Afghan nationals. Wala raw binibitiwang commitment ang bansa sa U.S. kaugnay sa isyu ng Afghans. Pinag-aaralan daw itong mabuti at may posbilidad na i-reject ang kahilingan ng U.S. Isinasaalang-alang daw ang kapakanan at kaligtasan ng mga karaniwang Pilipino. Malalaman umano sa Hulyo 15 kung ano ang pasya ng Pilipinas sa kahilingan ng U.S.

Hindi naman talaga nararapat na dito sa Pilipinas iproseso ng U.S. ang mga papeles ng Afghan na­tionals. Bakit hindi sa teritoryo nila gawin? Bakit dito ang napili nila? Dahil wala silang pakialam sa buhay ng mga Pilipino kapag nagkaroon ng mga pambo­bomba. Madaling makakapasok ang suicide bombers kapag ginusto nilang gantihan ang U.S. at mga Afghans. Madadamay pa ang mga Pilipino sa balak ng U.S. Nararapat magpasya na ang pamahalaan para ibasura ang kahilingan ng U.S. ukol sa pagpapatuloy sa Afghan nationals. Nasa huli ang pagsisisi.

REFUGEES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with