^

PSN Opinyon

E-sabong operators, sinusukat ang pasensiya ni BBM!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

SINUSUKAT talaga ng e-sabong operators ang pasensiya ni President Bongbong Marcos. Kahit nag-isyu na ng Executive Order No. 9 si BBM para ipasara ang ope­ration ng e-sabong, eh hindi naman sila tumigil. Sobrang laki kasi ng kita. Ang pruweba mga kosa ay ang paghuli ng NCRPO Regional Special Operations Group (RSOG) ng lima katao sa Parola, Tondo noong Hunyo 17 sa pag­lalaro ng e-sabong. Araguuyyyyy! Sinabi ni RSOG chief Maj. Nazarino Emia na ang website ng e-sabong ay Largahan88.dive. Hehehe! Mabilis lang naman i-delete ng operator nito ang website at gawa uli ng bago, di ba mga kosa? Dipugaaaaa!

Ang mga inaresto ng tropa ni Emia sa dalawang ope­rations sa Parola compound, Tondo, Manila ay sina Gemma Alon, 44; Joyce Vargas, 24; Jaime Madolid Jr., 22; John Derick Sabandal, 43, at Paul Cabillos, 30. Nakumpiska sa kanila ang dalawang TV sets, mga celfone, papel na may sulat ng taya at P12,190 cash bets. Sa tactical interrogation ni Emia, inamin ng mga suspects na binibigay lang sa kanila ang website at may financier sila. Subalit magulang din ang financier dahil hindi ito nakikipag-usap sa mga kubrador kundi nagpapadala lang siya ng tauhan. Eh di wow! Hehehe! Ayaw ibilad ng financier ng Largahan88.dive ang mukha niya, ‘no mga kosa?

Hindi naman nagpabaya ang mga tauhan ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr., para sawatain ang e-sabong. Sa katunayan, walang humpay ang paghahabol sa kanila ng mga bataan ni Brig. Gen. Sidney Hernia, ang director ng Anti-Cyber Crime Group (ACG) ng PNP. Ayon kay Acorda, itong ACG, sa pakipagtulungan ng National Telecommu­nications Commission (NTC) para ma-take down ang mga e-sabong site, lalo na ang Sabong Worldwide, na pag-aari ng pulitiko at government official. Tsk tsk tsk! Mga malapit din kay BBM ang nanloloko sa kanya, ‘no mga kosa? Eh di wow!

Kahit pursigido ang PNP na wasakin ang e-sabong, may mga problemang hinaharap ang kapulisan dahil sa umiiral na batas. “’Yung ibang websites ay pinapa-take down natin. Ang so far, we are encountering some in enforcement, kasi may mga problema sa batas natin like ‘yung mga lack of betting,” ani Acorda. Aniya, dahil ang tayaan ay ginagawa online, kapag kinasuhan ang mga naaresto sa korte, abayyyyy hindi umuusad ito kasi hinahanap ang bet. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kahit may sagabal man sa kampanya nila vs e-sabong, iginiit naman ni Acorda na nagsasagawa ng masusing pag-aaral ang mga tauhan ni Hernia para isara ang mga websites nito. Pinaigting ng ACG ang monitoring at case buildup laban sa e-sabong, lalo na sa aspeto ng online betting. Tsk tsk tsk! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kamay na bakal ni BBM ang kailangan para mapuksa ang e-sabong.

Abangan!

E-SABONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with