^

PSN Opinyon

Terminated na STL sa Cebu, sinalakay ng CIDG!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Umabot sa 31 sugarol ang inaresto ng pulisya habang naglalaro ng Small-Town-Lottery (STL) na paso na ang lisensiya sa Cebu. Sinabi ni Col. Jovit Culaway, hepe ng CIDG 7, na nagsagawa sila ng 13 operations sa kabuuang probinsiya ng Cebu noong June 14 at naaktuhan ang mga suspects na tumataya sa STL ng Saturn Gaming N Amusement Corporation. Nakumpiska ang mga gaming paraphernalia, cash bets na umabot sa P28,245, ani Culaway sa kanyang report kay CIDG director Maj. Gen. Romeo Caramat Jr. Hehehe!

Epektib talaga ang magandang relasyon nina PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. at PCSO Gen. Man. Mel Robles, no mga kosa? Dipugaaaaa!

Sa totoo lang, ang authorization nitong Saturn Gaming ay paso na epektib Abril 6, 2023 base sa PCSO Board Resolution No. 55. Subalit nabalam ang operation para ipatigil ang operation nila matapos magsumite si Andrea Alzate, general at administrative manager ng kompamya ng kopya ng Writ of Preliminary Injunction na inisyu ni Judge Aileen Saguing-Agacita ng Manadaluyong City RTC Branch 213 na may petsang May 19, 2023. Tsk tsk tsk!

Nauso na naman itong pakikialam ng korte sa PCSO na ipinagbawal na noon ni Tatay Digong.

Pinigil ng korte ang PCSO na i-terminate ang palaro ng Saturn Gaming at ipinag-utos na ituloy ang palarong STL nito sa Cebu at Southern Leyte. Epektib ang kautusan ng korte hanggang magkaroon ng final judgement ang kaso. Hehehe! Weder-weder lang talaga, di ba mga kosa? Mismooooo!

Kaya lang matiyaga at makulit si Culaway at pilit na inaalam niya kung hindi peke ang papeles na isinumite ni Alzate. Kaagad nagpadala ng verification letters, via email, si Culaway kay Judge Saguing-Agacita at kay Gloria Ybanez, manager ng PCSO Visayas Field Office.

Hindi sinagot ng korte ang sulat ni Culaway. Imbes, kinumpirma ni Glen Jeus Rada, Branch Manager ng PCSO na kinitil na ang authorization ng Saturn Gaming noon pang Abril. Kaya maliwanag pa sa sikat ng araw na ang patuloy na operation ng STL nito sa Cebu ay ilegal na. Araguuyyyyy Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs! Dipugaaaaa!

Matapos ang kumpirmasyon ni Rada, nagbuo kaagad ng raiding teams si Culaway ay nagsagawa nang malawakang operation vs Saturn Gaming. Hehehe! Mukhang hindi nasilaw sa pitsa si Culaway dahil kinasuhan lahat ng naaresto.

Kasama sa kinasuhan ng violation of RA 9287 ay sina Jeanette Capangpangan,  Loida Tanilon, Christian Lloyd Gonzales, Ivy Marie Ologuiber, Marisse Camargo at Irish Acop.

Maliban kay Acop na kinasuhan sa Cebu Provincial Prosecutor’s Office, ang iba naman ay nai-inquest sa sala ni Fiscal Jay Paradiang, ng Cebu provincial prosecutor.

Niliwanag naman ni Robles na terminated lang ang Saturn Gaming sa Cebu subalit tuloy pa ang operation ng STL sa Metro Cebu at sa Mandaue City. Ayon sa bulletin ng PCSO, ang authority to operate ng Saturn Gaming ay binawi at tinanggal ng PCSO board resolution na inilabas ng ahensiya noong Marso 8, 2023. Eh di wow! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaa!

Kaya naman pala na-terminate ang authority to operate ng Saturn Gaming ay dahil sa patuloy nitong paglabag ng terms ang conditions ng Authorized Agent Corporation  (AAC) agreement sa PCSO, ani Robles.

Abangan!

CIDG

STL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with