^

PSN Opinyon

Bagong buhay sa pagbubukas ng Batong Buhay mines

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Isa ang Batong Buhay mines sa Balatoc, Pasil, Kalinga, sa pinakamalaking minahan ng ginto at pilak noong 1934. Tumigil ang pagmimina noong World War II, ngunit nagpatuloy noong 1969-1970 sa ilalim ng Nippon Mining Company ng Japan. Mula 1977-1978, 17 butas ang pinagkunan ng sapat na ebidensyang mayaman ang deposito nito ng porphyry copper.

Napasailalim sa Development Bank of the Philippines (DBP) noong 1979 ang minahan at itinilaga ang Philex Mining Corporation bilang operator.

Muling tumigil ang operasyon ng minahan noong 1984 dahil sa insurhensya ngunit nagpatuloy ang small-scale mining sa Batong Buhay dahil napakaraming magsasaka ang nahumaling sa pangarap ng karangyaan mula sa ginto at pilak.

Napasailalim sa Asset Privatization Trust (APT) ng pamahalaan ang Batong Buhay mines noong 1986 sa ilalim ng Privatization and Management Office (PMO) at nailipat muli ito sa Natural Resources Mining Development Corporation noong 2006.

Ilang beses tinangkang buhayin ang Batong Buhay mines mula kay dating Pres. Corazon Aquino hanggang kay Rodrigo Duterte ngunit hindi nagkaroon ng katuparaan. Ngayong termino ni Pres. Ferdinand Marco Jr. Tuluyan nang patatakbuhin ng Celcius Resources Philippines subsidiary na Makilala Mining Co. Inc. (MMCI) ang Batong Buhay mines.

Uumpisahan sa 2026 ang Maalinao-Caigutan-Biyog (MCB) copper-gold project sa pagitan ng Pasil, Lubuagan at Tabuk City.  Mayroon nang environmental compliance certificate (ECC) at nakasalang na rin ang Declaration of Mining Project Feasibility (DMPF) nito bago maipasakamay sa MMCI ang Mineral Production Sharing Agreement (MPSA) na magpapahintulot sa kumpanyang magmina ng 25 taon o higit pa.

Ayon sa Mines and Geosciences Bureau (MGB)-CAR, mayroon nang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng katutubong mamamayan ng Balatoc, Pasil at Makilala Mining Co.  Kapag napasakamay ang DMPF, na inaasahan sa third quarter ng 2023, maari nang umpisahan ang development at production.

Subalit may sumambulat na pagtutol sa mga mamamayan ng Balatoc, Pasil sapagkat nangangamba silang magkaroon nang malaking kapinsalaan sa kapaligiran at kabuhayan ng mga katutubo.

Ayon kay Tabuk City Mayor Darwin Estranero, masusi nilang pag-aaralan ang epekto ng large-scale mining sa kapaligiran at kabuhayan dahil dadaan ang Chico River mula Pasil pababa ng Tabuk City.

Nararapat nang magbigay buhay ang operasyon ng Batong Buhay mines!

***

Para sa suhestiyon:  [email protected]

MINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with