Bangon, Beneco!
MULA sa matinding pagkakalugmok panahon na para bumangon ang Benguet Electric Cooperative (Beneco).
Dapat mawala ang mga anay sa pundasyon ng kooperatiba upang malampasan ang mga suliranin at magsilbi sa mga miyembro nito.
Pinangunahan ni Acting General Manager Artemio Bacoco ang pagsasaayos ng kooperatiba noong Disyembre 2022. Nagdaan sa dalawang taon na pagbabangayan at kung anu-ano pang problema ang kooperatiba.
Pero ayon kay Bacoco, nais niyang isantabi ang mga tunggalian sa kooperatiba at panagutin ang mga sangkot sa iligal na gawain. Ang nasa isip niya ay ang kapakanan ng 300,000 consumer-owners sa Baguio City at Benguet province.
Ayon kay Bacoco, kung itutuloy ang mga makasariling adhikain, ilalagay ang Beneco sa kapahamakan. Mapapahamak ang consumer-members sa mas mataas na singil sa kuryente.
Hindi na dapat maulit ang mga pagkakamali. Nararapat nang bumangon ang Beneco!
***
Para sa suhestiyon: [email protected]
- Latest