Gulo sa Kongreso hindi na bago
BAWAL ang nagtutulug-tulogan sa pansitan kahit na nasa pinakamataas na puwesto ka na sa Kongreso o ikaw na ang House Speaker.
Ito ang payo ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez sa kung sinuman ang maging leader ng Lower House maging si Speaker of the House Martin Romualdez.
Ayon kay Alvarez hindi na bago ang “kudeta” sa Kongreso at siya nga mismo ay naranasan din ito.
Payo pa nga ni Alvarez na dapat magíng mapagmatyag at laging nagbabantay ang isang House Speaker dahil hindi nito maaasahan ang tinatawag na loyalty ng mga malalapit sa kanya.
Kung sino ang inakala mong malapit sa iyo ay sila pa ang No.1 backstabbers at sisira sa iyo ayon kay Alvarez.
- Latest