^

PSN Opinyon

Bilyong dolyar sa buhok

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SA Pilipinas tinatawanan natin ang nagpapakalbo. Sa India ginagawa ‘yon ng lalaki’t babae bilang sampalataya. At kumikita nang bilyong dolyar ang bansa nila.

Pumupunta ang milyun-milyong Indian, matanda at bata, sa mga templo ni Lord Venkateswara, avatar ni Vishnu. Pina­aahit nila ang ulo para makamit ang pinagdarasal: kalusugan, angat sa buhay, at iba pa.

Sa templo sa Tirumala 1,300 barbero ang naggugupit 24/7 sa 1.2 milyong mananampalataya kada taon. Ginagawang wig ang buhok. Malaking industriya ‘yon sa India­. Nu’ng 2019 nagbenta ang templo ng 157 toneladang buhok sa halagang $1.6 milyon, ulat ng Economist.

Milyon ang manggagawa sa mga pabrika ng wig. Nag­ta­tanggal ng buhol, nagsa-shampoo, nagsasalansan. Hina­habi sa iba’t ibang haba, kulay at estilo ng wig.

Halagang $5.8 bilyon ang industriyang wig sa mundo nu’ng 2021. Isang-katlo nu’n ay sa natural na buhok. Nu’ng 2021 nag-export ang India ng $770 milyong buhok ng tao, doble kaysa 2020.

Mas gusto ng nagwi-wig ang natural na buhok. Puwedeng ikulot, iunat, itirintas. Mas mura kaysa synthetic, pero taon ang itinatagal.

Bihira lang ang nagwi-wig sa India. Cannot-afford sila kasi maralita. At pinipili nilang magpakalbo kaysa magpekeng buhok. May nag-i-smuggle pa nga ng buhok sa China at Bangladesh.

Sa Pilipinas marami na ang nagdo-donate ng buhok. Ginagawang wig para sa cancer patients na nalalagasan­ dahil sa chemotherapy. Napakarangal na layunin. Pagpapa­lain din sila ng kalusugan, angat sa buhay, at marami pa.

Naging katatawanan sa Pilipinas ang kalbo dahil sa komedyanteng ahit ang ulo: sina Pugo at Tugo, Pugak at Tugak nu’ng pre-War hanggang dekada 1960.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

BUHOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with