^

PSN Opinyon

Senator Barubal, Senator Grandstanding, Senator Matino

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NAKAGAWIAN na ng publikong makita sa mga senate hearing sa telebisyon ang mga tanawing nakakabuwisit at nakakainis. Kung di ka mabubuwisit sa inaasta ng mga senador na nag-iimbestiga, mabu-buwisit ka sa inaasta ng mga iniimbestigahan nilang resource person. Sa bawat senate hearing laging may bida at may mga kontrabida.

Ang nakakainis dito, hindi pa man nakakapagpaliwanag ang resource person, pinuputol na agad ang kanyang pag­sasalita. May kasama pang pang-iinsulto sa kanyang sagot kung hindi tugma sa pandinig ng nag-iimbestigang “almighty at honorable senator.”

Alam ko ito dahil danas ko ito at ni ‘Tol Erwin noong inim­bitahan kami sa Senado. Nagsasalita pa lang kami, may kasunod na agad na tanong ‘yung isang senador na bumubula ang bibig at may mga side remark pa. Pati pagsasalita ko ng English, pinuna. Susmaryosep! Ano namang kinalaman ng pag-e-english ko sa Senate hearing?

‘Yung isa namang asong ulol, tinawag akong magna­nakaw. Kahol nang kahol, duwag naman. Kaya nga tinawag siyang tililing. Pagdating sa Senado binakbakan ako ng husto, pinagtulungan.

Salamat sa Diyos, wala na sa Senado ang mga putok sa buhong senador na ‘yun. Ayokong lahatin dahil mara­ming mga matitinong senador. Tapat sa kanilang tungkulin at alam ang kanilang ginagawa. Ang nakakabuwisit ay ‘yung mga hambog na ang kanilang estilo ay public shaming, public reprimand, public ridicule.

May kasabihan, style makes a difference. And style makes a senator. Kilala niyo kung sino ang senador na ang estilo ay barubal, estilo ay grandstanding at estilong namamahiya lalo na kapag may ilaw, mikropono at kamera. Nagtatalsikan ang kanilang mga laway. Huwag na nating pabalikin sa Senado ang mga putok sa buho.

Sila ang mga senador na nag-iwan ng masamang panlasa at tatak, stigma o mantsa sa mata ng mga manonood. Ginamit nila ang Senado as a court of public opinion, not in aid of legislation. Ngayon, sinasabi si Senate Pres. Migz Zubiri na ‘yung warehouse sa Senado ay gagawin nilang kulungan. Palalagyan ng mga rehas para ikulong ang mga resource person na nagsisinungaling.

Ang tanong, sino ang magsasabi na ang resource person ay nagsisinungaling? Ang senado o ang hukuman? Kapag ang hearing isinagawa sa Senado anuman ang kanilang napag-desisyunan ukol sa isyu, hindi ito final and executory. Hukuman pa rin ang magdedetermina at magdedesisyon sa kaso.  Baka kasi lumabis sa kanilang tungkulin ang Senado o ‘yung tinatawag na ‘overreach.’

Tanging hukuman lang ang magsasagawa ng hatol at parusa sa resource person na mapapatunayang nagsisinungaling, under oath. Puwera  na lamang kung ang resource person ay bastos, defiant o harap-harapan ang kaniyang pagsuway. Hindi na nirerespeto ang institusyon ng Senado sa paraan ng kanyang pagsagot puwede siyang pansamantalang i-detain.

Simple lang. It takes two to tango. May bastos kapag may nambabastos sa Senado. Gets nyo? Uulitin ko. Hindi ko nilalahat dahil maraming matitinong senador. Tapat sa kanilang tungkulin at alam ang kanilang ginagawa.

BEN TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with