^

PSN Opinyon

May tamang lugar para riyan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NOONG nakaraang linggo, sinira ng isang barangay sa Talisay City, Negros Occidental ang 119 na open o modified mufflers ng motorsiklo na nagdulot ng ingay sa komunidad. Sana nakita ko iyon. Paggalang ang inaabot ko sa LGU na iyon para sa kanilang pagpapatupad ng ordinansa na sa aking kaalaman ay sakop ang buong bansa. Ang polusyon sa ingay ay kasing sama ng lahat ng uri ng polusyon. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na nagpapatakbo ang walang konsiderasyong motorsiklong may maingay na muffler. Hindi naman sila nahuhuli ng mga otoridad kahit na malinaw na nilalabag ang ordi­nansa hinggil sa ingay.

Ang paglaganap ng motorsiklo ay nagsilang sa mga “feeling­ karerista.” Nagsisimula sa pagpalit ng mga muffler. Sa katu­nayan, para sa karamihan, ito ang tanging pagbabago na kanilang kayang bilhin. Para sa kanila, ito ay sapat na upang manalo sa anumang karera. Wala pa akong nakikitang lokal na LGU sa Metro Manila na nagpapatupad ng anti-open-muffler ordinance. Alam kong mahigpit ang Bonifacio Global City sa hindi pagpayag sa mga motorsiklong naka-open muffler, ngunit kaila­ngan nating ipatupad ito sa buong ka-Maynilaan.

Ang isa pang isyu ay ang paggamit ng Marilaque Highway sa karera ng motorsiklo. May mga video sa social media na nagpapatunay dito. At hindi rin nagkukulang ang mga aksiden­teng­ ipinapakita sa social media. Nakikita kung gaano kababa iti­na­­tagilid ang motorsiklo kapag dumadaan sa kurbada. Totoong may mga marunong gawin ito. Ngunit ang problema ay may mga gumagaya na hindi alam kung paano gawin ito ng tama. Napupunta na lang sa mga puno o mas masahol pa, sa bangin. Ilang taga­pagpatupad ng batas ang nagsimulang hulihin ang mga mabibilis na ito ngunit hindi kayang masakop ang buong highway.

Napakakaunting pagsasanay ang kinakailangan ng LTO para sa mga motorcycle riders. Baka nga wala pa. Mabuti sana kung may mga responsableng rider diyan, at hindi ko sinasabing wala, na pinagsasabihan ang mga pasaway. Maging sa mga kalsada ng Metro Manila, marami ang nagpapatakbo upang magyabang lang. Wala tayong mga kalsada para gawin ito. Nananawagan ako sa mga LGU at traffic enforcer. Oras na para simulan ang pagpapatupad ng mga ordinansa tungkol sa mga maingay na muffler at mapanganib na pagmaneho. At hindi lang motorcycle rider ang tinutukoy ko kundi lahat ng sasakyan sa kalsada, maging publiko o pribado. Gawing ligtas ang ating mga kalsada. Bigyan ng katahimikan ang komunidad. May mga tamang lugar para magpatakbo at kumarera. Hindi sa mga publikong kalsada.

MODIFIED

MUFFLERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with