^

PSN Opinyon

Food stamp, great idea

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KUNG maipatutupad nang maayos at hindi mapapasok ng anomalya, magandang idea ang planong food stamp para sa mahihirap na ang kinikita ay P8,000 lamang isang buwan. 

Walang salaping ayudang ipamimigay kundi mga kupon na puwedeng ipambili ng pagkain mula sa mga pamilihang itatalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Dahil walang perang involved dito, malayong pasukin ng anomalya. Ang ipamimigay na kupon ay katumbas ng P3,000 bawat buwan sa mga matutukoy na benepisyaryo. Noon, kapag ayudang pera ang pag-uusapan, naririyan na agad ang mga pagdududa na ang mga malapit lamang sa barangay captain ang maaambunan. Ngayon, DSWD na ang mangangasiwa sa pamimigay nito.

Noon, kapag ayudang pera ang usapin, may mga nagsasabing ‘yung mga benepisyaryo ay nilulustay lamang ito sa pagsusugal. Isa pa, dahil sinusuportahan ng Asian Deve­lopment Bank ang proyekto sa halagang US$3 milyon sa unang buwan na implementasyon nito, nakasisigurong walang makalulusot na anomalya. 

Ang maganda pa sa programang ito, pagtatrabahuhan ng benepisyaryo ang ibibigay na tulong sa kanya. Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian, hindi pa malinaw kung anong trabaho ang gagawin ng recepients. Sa Hulyo raw ilulunsad­ ang programa.

Mula sa mga benepisyaryo ay bubuo ng “workforce” sa kani-kanilang komunidad at sa tingin ko ay mga simpleng community service work lang ang gagawin nila at hindi mabibigat na gawain. At least, masasabi ng isang maralita na ang tinanggap niyang tulong ay pinaghirapan niya. Ang mga nakapag-sign up ay pupunta sa kani-kanilang Public Employment Service Office at kukuha ng sertipikasyon na bahagi na sila ng workforce.

vuukle comment

FOOD STAMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with