^

PSN Opinyon

Mga pulis kay Azurin, nasaan ang SRI funds?

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Maraming katanungan ang may 227,604 kapulisan kay ex-PNP chief Junaz Azurin patungkol sa hiwagang bumabalot sa kanilang Service Recognition Incentive (SRI) na MKK=4k sa taon 2022. Hanggang sa ngayon kasi, tikom ang bibig ng kampo ni Azurin kaya lalong lumalaki ang sunog dito sa isyu ng SRI, di ba mga kosa kong pulis?

Ang matindi lang, hindi na dinadaan ng mga pulis ang kanilang karaingan na SRI sa grievance platform ng PNP kundi sa white paper, na umiikot sa ngayon. Eh di wow! Kasi nga naman, kapag ginawa nilang black and white ang kanilang reklamo, tiyak dadamputin sila sa kangkungan, di ba mga kosa? Mismooooo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan.

Ang unang katanungan ay magkano ang tunay na pera na ni-release para sa SRI ng bawat kawani ng PNP? Ang naiulat ay P7,000 subalit sa certification ng accountant ng PNP, ang tunay na halaga ay P6,604.58 lamang. Kung kaya ng liderato ng PNP na i-round off ang P6,604.58 sa P7,000, ang ibig bang sabihin ay may available na pondo pa ang PNP upang magamit? Ewan ko ‘no? Si Azurin lang ang makakasagot niyan! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kaya naman P4,000 lang ang natanggap ng kapulisan na SRI ay dahil ang P7,000 ay binawasan pa ng tax. Subalit bakit ang P10,000 na SRI noong 2021 ay hindi binawasan ng tax? Ano po ang nangyari gayong ang “tax rule” para sa bonus noong 2021 ay kaparehas lang nitong 2022? Ayon naman sa inisyal na paliwanag ng PNP, nabuwisan daw ang P7,000.00 na SRI ay dahil hindi raw ito kasama sa income ng PNP. Araguuyyyyyy! Life is beautiful, ‘no mga kosa?

Nabanggit din na ang buwis para sa P7,000 SRI ay kasama na sa mga buwis na binayaran ng PNP sa payroll nung mga buwan ng Nobyembre at Disyembre, mga panahong hindi pa nare-release ang nasabing SRI. So bakit binawasan pa nila uli ng buwis ang P7,000.00? Hahaha! Ang taga-comptroller ng PNP lang ang makasagot n’yan, di ba Brig. Gen. Rommel Marbil? Tumpak!

Ang panawagan ng mga kapulisan kay Interior Secretary Benhur Abalos ay siliping maigi ang available Personal Services at MOOE allotments kung lumampas ba sa ni-release na SRI, at malalaman kung nagkaroon ng “re-allocation” para sa ibang gastusin ng PNP kaysa i-release ang nasabing pera para sa SRI. Alamin din kung ang nasabing “re-allocation” ay tama or paglabag sa probisyon ng batas at ng GAA. Hehehe! Kelan kaya masagot ni Azurin ang mga masalimuot na katanungang ito ng kanyang dating mga tauhan?

Iginiit pa ng mga dismayadong kapulisan na ang hakbangin ni Azurin na mag-request ng karagdagang pondo sa DBM upang ipandagdag sa SRI ng PNP, na kukunin sa anumang available na pondo ng gobyerno, ay hindi tama.

Maliwanag na nakalahad sa AO 01 ni President Bongbong Marcos kung saan dapat kunin ang pondo para sa SRI. Puwede sa Personal Services allotment ng FY 2022 GAA. At kung hindi sapat, maaaring kunin ang karagdagang halaga sa MOOE allotment. Hehehe! May alam ang gumawa ng white paper ah! Abangan!

SRI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with