^

PSN Opinyon

Anemia  

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MINSAN ba ay parang pagod ka? May nagsabi ba na maputla ka? Ikaw ba ay buntis o lampas sa edad 60?

Kung ganoon, ipa-check ang dugo para sa anemia.

Ang anemia ay pangkaraniwang kondisyon kung saan kulang sa pulang dugo (red blood cells) ang katawan. Alam natin na ang pulang dugo ang nagdadala ng oxygen sa buong katawan.

Kadalasan, ang anemia ay tinatawag na iron-deficiency anemia (IDA). Ang dalawang pangunahing dahilan nito ay ang kakulangan ng nutrisyon mula sa pagkain at ang pagkakaroon ng anumang pagdurugo sa katawan.

Problema ng Pilipino ang anemia:

Ayon sa DOST at FNRI Seventh National Nutrition Survey noong 2008, ang iron-deficiency anemia ay nakaka­apekto sa apat sa bawat 10 buntis sa Pilipinas. Para sa mga sanggol mula anim na buwan hanggang 1 taon, 56 percent ay may anemia rin. Sa mga bata edad 1 hanggang 12 taon, may 20 percent ang anemic din. Pagdating naman sa mga edad 60 pataas, may tatlo sa bawat 10 senior citizens ang kulang sa dugo.

Ano ang komplikasyon nito?

Para sa mga buntis, puwedeng mapaaga o maging premature ang pagsilang ng sanggol. Para sa batang may anemia, puwede silang maging pandak, payat, masakitin at hirap sa pag-aaral.

Sintomas at gamutan:

Kapag bahagya lang ang kakulangan ng dugo, marahil ay walang sintomas ang mararamdaman. Ngunit kung mabilis ang pagbaba ng hemoglobin count o mababa sa 10 mg/dL ang hemoglobin, may mararamdaman na. Ang pangkaraniwang sintomas ng anemia ay panghihina, pag­kahilo kapag tumatayo, hinihingal at palpitasyon.

Para malaman kung may anemia, magpakuha ng CBC (complete blood count) para makita ang lebel ng hemoglobin at hematocrit sa dugo.

Ang good news sa sakit na anemia, madali lang itong gamutin. Gawin ang mga sumusunod:

1.Kumain ng mga pagkaing mataas sa iron. Sa mga karne, mataas ang iron sa atay ng baka, laman ng baka, baboy at manok.

2.Sa mga hindi gaanong kumakain ng karne, makakakuha ng iron sa maberdeng gulay tulad ng spinach, malunggay, kangkong, beans, peas, at patatas na may balat.

3.May mga tinapay at cereals na may dagdag iron.

3.Kumain ng pagkaing mataas sa vitamin C. Nakatutulong ang vitamin C sa pag-absorb ng iron sa katawan. Mayaman sa vitamin C ang prutas tulad ng dalandan, orange, pinya at suha.

4.Puwedeng uminom ng Iron tablets tulad ng ferrous sulfate tablet at mga multivitamins na may iron. Gawin ito ng isang buwan at siguradong tataas na ang hemoglobin sa dugo.

Tandaan: Kapag may anumang pagdurugo sa katawan, kumunsulta sa doktor.

DUGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with