^

PSN Opinyon

Huwag magalit, baka magkasakit  

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MASAMA sa kalusugan ang magalit. Ito ang mga posibleng mangyari kapag hindi nakontrol ang galit:

1. Altapresyon

Kapag ika’y nagalit, puwedeng tumaas ng 30-50 puntos ang iyong blood pressure. Kaya ang presyon na 130/80, ay puwedeng umabot sa 180/100.

2. Istrok

Kapag tumaas ang presyon, posibleng pumutok ang ugat sa utak. Ang tawag dito ay brain hemorrhage na madaling makamatay.

3. Atake at sakit sa puso

Narinig mo na siguro na may taong inatake sa puso pag­katapos magalit. Sobrang stress po ang dahilan nito.

4. Pagdurugo ng mata

Maraming pasyente na ang nabulag ang mata dahil sa matinding galit. Pumutok kasi ang ugat nila sa loob ng mata.

5. May koneksyon din sa pagkagalit ang kanser, diabetes, asthma, sakit sa likod, at iba pa.

Paano mababawasan ang galit?

1. Mag-ehersisyo

Nakababawas ang ehersisyo sa stress at tensyon sa katawan.

2. Magpahinga ng sapat

Huwag magmadali at sobrahan ang iyong trabaho. Kapag hindi ka overworked, mas hindi iinit ang iyong ulo.

3. Habaan ang pasensiya

Huwag maging perfectionist. Tanggapin na talagang may nahuhuli sa mga schedule, meeting at oras ng biyahe.

4. Ayusin ang pag-iisip

Alamin ang mga bagay na mabilis magpainit sa iyong ulo. Bago pa ito mangyari, mag-isip na ng paraan para maka­iwas dito.

5.Maghintay ng ilang oras

Kung may kaaway ka, huwag mo agad siyang harapin. Mag-deep breathing exercises muna. Huminga ng malalim at mabagal ng 10 beses.

6.Kausapin ang sarili o baguhin ang pananaw

Tanungin ang sarili: Itong kinakagalit ko ba ay may epekto sa akin pagkalipas ng 1 taon o 10 taon? Kadalasan ay wala naman.

7.Maging abala sa magandang gawain

Kapag ika’y walang ginagawa, magiging mas mainitin at mainggitin ka sa iba. Ngunit kung abala ka sa sariling proyekto, wala ka nang panahon magalit pa sa iba.

8.Libangin ang iyong sarili

Kapag nararamdaman mong umiinit ang iyong ulo, ibaling ang iyong isipan sa iba. Magbasa ng magazine, o mag-isip ng magagandang bagay.

9.Huwag daanin sa alak ang galit

Masama ito sa katawan.

10.Ilabas ang iyong galit sa tamang paraan

Pumunta ka sa lugar na walang tao at dito mo ilabas ang iyong inis. Puwede ding ikuwento mo ito sa isang kaibigan.

11.Magpatingin sa doktor

Baka naman may altapresyon o sakit ka sa thyroid. Ang mga sakit na ito ay puwedeng magpainit din ng ulo.

12.Ipasa-Diyos mo

Ipagdasal mo na lang ang iyong kaaway. Hayaan mo nang iba ang lumaban sa kaniya at huwag nang ikaw. Magpakumbaba at umiwas na lang sa iyong katunggali. Lilipas din iyan.

GALIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with