^

PSN Opinyon

Baboy na pagtrato sa mga pasyente sa ‘Mental’

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Malaking sampal sa mukha ng pamunuan ng National Center for Mental Health (NCMH) ang kalunus-kunos na kalagayan ng mga pasyente sa pasilidad.

Kung hindi pa nagsagawa ng surprise visit si Senator­ ‘Tol Raffy, siguradong patuloy lang ang kanilang kapabayaan.

Salamat sa isang tip kay Senator ‘Tol Raffy. Ang mga pasyente raw sa mental facility masahol pa sa hayop kung tratuhin.

Natutulog sa sahig ng walang sapin, walang unan, walang kumot at parang mga sardinas daw sa loob. Ang mas naka­kagalit pa, ang nakakasulasok na amoy sa loob ng Pavilion 8 o female ward, ayon sa sumbong.

Naghalo ang amoy ng mga dumi at ihi ng mga pasyente. Dagdag pa rito ang umaalingasaw na imburnal sa labas ng ward na maraming basurang lumulutang-lutang.

Kaya si Senator ‘Tol Raffy sumiklab ang galit. Halos bumaliktad ang kanyang sikmura sa sobrang baho ng masangsang na naghalong amoy ng dumi at ihi ng mga pasyente.

Kaya ang suhestiyon niya, maglagay ng mga humidifier, mag-install ng mga automatic round the clock disinfectant spray machine at regular na paglilinis sa mga ward two, times a day.

Sino nga ba naman ang matutuwa sa kawawang kala­gayang ito ng mga pasyente sa loob ng mental facility? May problema na nga sila sa pag-iisip, hindi pa inaalagaan nang maayos.

Hindi naman siguro mga bulag, pipi at bingi ang pamu­nuan ng National Center for Mental Health. Nasa ilalim ito ng pangangasiwa ng Department of Health (DOH). Sus­mar­yosep!

Kaya tama si Senator ‘Tol Raffy, naghain ng Senate Resolution 562 na naglalayong imbestigahan ng Senado ang kalagayan ng mga pasyente sa loob at ang umano’y korapsyon sa NCMH.

Seryoso ang bagay na ito. Ang gusto lang natin ay ang makataong pagtrato sa mga kababayan nating “wala sa sarili” at may karamdaman sa pag iisip.

May mga mata naman siguro at pang-amoy ang pamunuan ng ‘Mental”. Sana nagrerekomenda kayo ng mga polisiya at pagbabago sa loob. Hindi ‘yung mga flower vase lang kayo at tumatanggap ng suweldo. Isipin nyo na lang na kapamilya ang mga nasa pangangalaga ninyo.

Pamunuan ng NCMH at DOH, sana nagising na kayo! Umaalingasaw ang baho ninyo. Nakakahiya!

NCMH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with