^

PSN Opinyon

Mas ligtas at tahimik na Quezon City

QC ASENSO - Joy G. Belmonte - Pilipino Star Ngayon

Nang manungkulan ako bilang Mayor ng Quezon City, isa sa aking mga hangarin ay gawing mas ligtas at maging “crime free” ang mga komunidad, sa tulong ng Quezon City Police District (QCPD) at lokal na pamahalaan at mga barangay.

Kaya naman walang pagod na nakikipag-ugnayan at tumutulong ang pamahalaang lungsod sa mga programa at plano ng QCPD para maisakatuparan ito.

Nagbubunga na ang pagtutulungang ito dahil sa unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon, bumaba ang insi­dente ng krimen sa ating lungsod.

Sa pulong ng QC Peace and Order Council na aking pinamumunuan kasama ang law and order cluster ng siyudad, iniulat ng QCPD ang pagbagsak ng bilang ng kaso sa walong index crimes, kabilang ang murder, homicide, phy­sical injury, rape, robbery, theft, carnapping ng sasakyan at motorsiklo.

May naitala lang na 139 kasong pasok sa walong index­ crimes noong Marso, mas mababa kumpara sa 160 noong Enero at 161 noong Pebrero.

Nakapagtala rin ang QCPD ng Crime Solution Efficiency na 93.75% noong January, 93.79% noong Pebrero, at 90.65% noong Marso, para sa average na 92.73% sa unang bahagi ng 2023. Ibig sabihin nito, tumaas ang porsyento ng mga naresolbang kaso na inilapit sa QCPD.

Para kay QCPD Director BGen. Torre, ang mga positibong numero na ito ay bunga ng pagtutulungan ng QCPD at ating lokal na pamahalaan.

Sa pag-aaral ng QCPD, nakita na malaki ang naitulong ng ginawa nating pagpapalakas sa QCitizen Helpline 122, ang emergency hotline na ating itinalaga para magbigay ng tulong tuwing may emergency o reklamo ang ating QCitizens.

Malaki rin ang nagawa ng mabilis na pagresponde ng QCPD sa tulong ng Integrated Command and Control Center (IC3), patuloy na pagsasagawa ng simulation exer­cises, at monitoring ng crime-prone areas sa siyudad.

Inatasan na natin ang mga barangay na manatiling mapagmatyag at magsagawa ng mas madalas na pagpapatrulya bilang suporta sa pagsisikap ng QCPD.

Nananawagan din ako sa QCitizens na ireport ang insidente ng krimen sa pulisya o sa pamamagitan ng QC Helpline 122.

Nakasisiguro naman si BGen Torre na patuloy na makikipagtulungan ang lokal na pamahalaan sa QCPD para hindi masayang ang magandang nasimulan ng kanilang pamumuno at upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga komunidad at ng QCitizens.

QCPD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with