^

PSN Opinyon

 #ProudMakatizen students, bet na bet ang libreng snacks ng Project FEED

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

HAPPY tummy na nga ang ating mga mag-aaral sa pagsisimula ng feeding program sa mga paaralan sa Makati. Ang 42,024 na estudyante mula Kinder hanggang Grade 6 sa ating public schools ay makakatanggap ng libre at masustansyang meryenda araw-araw. Hindi lang basta snacks ito ha, gagamit pa sila ng very techie na vending machine at tap cards para maka-avail ng kanilang pang-araw araw na recess.

Noong Thursday, March 23 namin ni-rollout ang programang ito sa Makati Elementary School. Personal kaming pumunta ni hubby Cong. Luis para i-demo sa mga bata kung paano gamitin ang tap card at vending machine. Kitang-kita namin ang excitement sa mata ng mga bata nang makita nila ang vending machines na punong puno ng mga masasarap na snacks at juice drinks. Lahat ng 25 public elementary schools sa Makati ay magkakaroon ng vending machines. Ang mas malalaking schools ay lalagyan ng dalawa o tatlong machines para convenient at mabilis ang pagkuha ng pagkain at inumin para sa mga mag-aaral.

Ma-e-enjoy ng mga bata ang banana bar tuwing Lunes, oatmeal choco chip cookie tuwing Martes, cheese muffin tuwing Miyerkules, chocolate fudge brownie tuwing Huwebes, at isang juice drink tuwing Biyernes. Tinawag namin itong Project FEED o Food for Excellent Education and Development. Ang inisyatibang ito ay maghahatid ng libre at masustansyang meryenda sa mga public elementary school students sa lungsod. Alam naming mahirap ang buhay ngayon at ramdam namin at ayaw na naming problemahin pa ng mga magulang ang ipapabaong meryenda sa kanilang mga anak. Bukod sa mahal ay maabala ring maghanda lalo na kung nagtatrabaho ang parehong magulang. Kung bibigyan naman ng pera ang mga bata para sa recess nila, wala namang kasiguruhan na masustansya at nakakabusog ang bibilhing snacks. Kadalasan ay junk food at mga inuming mataas sa asukal ang pinipili ng ating mga anak.

Sa pamamagitan ng vending machine, sure na sure tayo na mag-i-improve ang eating habits ng mga bata. Hindi na rin dapat mag-alala ang mga magulang na kapos sa pampabaon ng bata. Bilang isang ina ay nauunawaan ko na may mga panahon talagang kinakapos sa budget ang pamilya. Sa maliit na paraan sanang ito ay makatulong kami sa pagtataguyod ng pamilyang Makatizen. Sisiguraduhin natin na ang mga mag-aaral sa Makati ay malakas, malusog, at ganadong mag-aral. Ang mga masustansyang meryenda ay nilikha gamit ang Nutriflour na dinevelop ng Department of Science and Technology (DOST). Ang flour na ito ay gawa sa kumbinasyon ng mga powder ng kamoteng kahoy, kamote, malunggay, kalabasa, at monggo. Ang inumin naman ay gawa sa katas ng mga sariwang prutas at gulay na hinaluan ng stevia bilang natural na pampatamis. 

Sinubukan ko din ang mga snacks ha, at masarap at nakakabusog ang mga ito! At ang pinaka dabest dito ay magbibigay ng lakas at sigla sa mga bata upang makapag-focus sila sa kanilang pag-aaral at iba pang school activities. Ngayon pa lang ay abot-abot na ang pasasalamat ng mga bata, magulang, at guro sa amin. Very good news daw ang libreng meryenda sa mga estudyante. Nakita ko rin ang mga comment at reactions ng mga netizens sa social media na pinupuri ang Makati sa dagdag na namang serbisyo at programa para sa mga bata. Maraming salamat po sa pag-appreciate ninyo ng aming mga programa. Lahat po ito ay for the love of our #ProudMakatizens. Asahan po ninyo na the best is yet to come.

vuukle comment

FEEDING PROGRAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with