^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga AWOL na sundalo ang ginagamit ng pulitiko

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mga AWOL na sundalo ang ginagamit ng pulitiko

Maraming AWOL na sundalo ang nagtatrabaho sa mga pulitiko at hindi maganda ang nangyayaring ito. Ang mga AWOL na sundalo ay mistulang mga robot na gagawin ang lahat nang iutos ng pulitikong sa kanila ay kumukupkop. Papatayin ang sinumang ituro at maghahari ang karahasan sa bansang ito. Ang mga AWOL na sundalo at pulis ay nararapat na i-monitor para malaman ang kanilang mga ginagawa. Malaking kasiraan ito sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at sa Philippine National Police (PNP). Gawin ang lahat para malaman ang aktibidad ng mga nag-AWOL na militar at pulis.

Ang mga suspect sa pagpatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo noong Marso 4 ay mga AWOL na sundalo ng Pilippine Army at Philippine Marines ayon sa report. May mga ranggong sarhento at corporal ang mga sundalo. Isa rin sa mga suspect ay nag-AWOL na pulis.

Ayon sa report ang dalawang sundalo na nakilalang sina Joric Labrador at Joven Aver ay naalis sa serbisyo dahil sa pagggamit ng illegal na droga samantalang si Benjie Rodriguez, na isa umanong pulis ay dawit naman sa iba pang illegal na gawain. Naaresto ang tatlo, ilang oras makaraang patayin si Degamo sa mismong bahay nito habang namamahagi ng ayuda sa mga mahihirap na constituents. Isa pang suspect ang napatay makaraang manlaban.

Nakunan ng CCTV ang pagpasok ng limang kalalakihang armado sa compound at saka walang habas na pinagbabaril si Degamo at mga taong nakapila para sa ayuda. Bukod kay Degamo, walong iba pa ang namatay sa masaker.

Sa ambush interview kay Labrador nang ilipat ito sa NBI headquarters noong Miyerkules sinabi nitong si “Congressman Teves” ang nag-utos patayin si Degamo.

Maraming pulitiko ang may private army na binubuo ng mga dating sundalo at pulis. Nag-iingat din ng mga baril ang mga pulitiko. Laganap ang ganitomg kalakaran sa Mindanao at Northern Luzon. Malagim ang kinahahantungan sa pagmamantini ng private armed groups.

Lansagin ng PNP ang mga pribadong armadong grupo ng mga pulitiko. Samsamin ang mga baril para masiguro ang katiwasayan sa bansa.

AWOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with